Chapter II

167 5 0
                                    

Third Person's POV

       "Good morning class" bati ni Ms. Levine sa klase niya "We have three transferee today and wala pa yung isa" dagdag niya "Oh naandyan ka na pala Mr. Laurier" saad niya nang mapansin ang hinahanap na binata kanina. "I guess kilala mo na since kanina ka pa dito. Boys introduce yourself" saad nito sa dalawang lalaking kasama niya.

     "Xaviel Ciein Park. Nice to meet you" masiglang saad ng lalaking matangkad "Francis Harold Shin" cold na saad ng mas matangkad na lalaki. "Perseus Akashi Laurier" pakilala ng binatang katabi ni Ryleigh.

     "Okay now that you've introduce yourself, you may take your seat" saad ni Ms. Levine sumunod naman ang dalawa sa harap sila ni Ryleigh umupo since iwas nga ang mga kaklase nila kay Ryleigh kaya may tatlong na bakanteng upuan malapit sa kanya (nasa gilid kasi siya sa may pader then two seats infront niya at katabi niya walang nakaupo).

    "Dude why'd you left us there kasama si Tanda?" tanong ni Francis ngunit tinignan lang siya ni Perseus. "Wag nang chismoso" sita ni Xaviel sabay pilit iharap ang mukha ni Francis sa harap kaya wala naman nagawa ito kundi ang humarap. Nagpatuloy ang klase wala pa ding nagsasalita sa apat until the bell rang indicating its lunch time. 

      "Ryleigh, sabay ka na samin maglunch" yaya ni Francis "Kaya nga" segunda naman ni Xaviel habang si Perseus ay nakatingin lang sa kanila, lalo na kay Ryleigh.  

     "Ay hindi na, I always eat with my brothers" sagot ng dalaga "Sayang naman" saad ni Xaviel. "Pero pwede naman kayo sumabay sakin papuntang cafeteria" pagprisinta ng dalaga kaya nabuhayan ng dugo ng dalawa "Talaga?" hyper na tanong ni Francis kaya tumango ang dalaga "Lets go" saad nito bago umuna ng lakad at sumunod naman ang tatlo. 

      Habang naglalakad ang apat hindi nawala ang bulungan cause the whole senior high department knows na wala talagang nagtatangka lumapit dahil sa banta ng queen-wanna bee na isa sa shareholders ng school kaya napapasunod niya lahat because she's threatening everyone na lalapit sa babae. 

Ryleigh's POV

         While we're walking papuntang cafeteria as usual ang mga marites sa paligid ay napakaactive at nagbubulungan na animo bubuyog. Once we reached the cafeteria ay nagpaalam ako sa tatlo para makapunta sa usual spot naming magkakapatid, dito din kasi nakain sila despite college students having their own cafeteria. 

       "Ito na ang cafeteria, una na ko aantayin ko pa sila kuya eh" pagpapaalam ko sa kanila, ngumiti naman ang dalawa "Sige Ry, go ka na don. Baka nagaantay na kuya mo" sagot ni Xaviel at tanging tango lang sagot ni Perseus, napakasungit nito. Ngumiti naman si Francis bago kumaway. 

      "See you na lang sa room" paalam ko ulit bago ako umalis para makapunta na sa usual spot naming magkakapatid. I texted my brothers na naandito na ko sa cafeteria nagreply naman sila na medyo matatagalan si Kuya Alli at Kuya Phy then papunta na si Kuya Max dito. 

     I was using my phone habang inaantay sila kuya nang may nagsalita kasabay nito ang pagbaba ng pagkain "Hey Ry, can we seat here?" excited na tanong ni Francis sasagot na sana ako nang may sumingit na napakasungit na nilalang "Didn't she said she'll eat with her brother?" masungit na saad ni Perseus kaya napatungo ang dalawa at binuhat ang tray nila, inirapan ko naman si Perseus. 

    "Yeah sure, mahaba naman ang table kaya kasya tayo" saad ko kaya agad na pinatong ulit ng dalawa ang kanilang tray at naupo na "Kung ayaw mo dito hanap ka ibang pwesto mo" pang-aasar ni Francis kaya naman natawa kami pero mas lalo kami natawa noong pinatong ni Perseus ang tray niya sabay upo sa tabi ko. "Aayaw ayaw pa may gusto lang naman makatabi" pabulong na saad ni Xaviel. 

    "Ha? Ano yon Xaviel?" tanong ko dahil hindi ko maintindihan sinabi niya since binulong lang niya ito kaya nagulat naman siya "Huh? W-wala akong sinabi Ry" kabadong saad nito nakita ko namang nagpipigil ng tawa si Francis tapos masamang nakatingin si Perseus kay Xaviel. 

     "Wala lang yon Ry. May sapak yan kaya wag mong pansinin" natatawang saad ni Francis kaya tumango na lang ako kahit naguguluhan. Nagkuwentuhan lang kami habang nakain sila, inaalok nila ako but I refuse sabay sabay kasi kami lagi nila kuya. Patuloy kami sa pagkukuwentuhan when I felt a hand on my shoulder tumingala naman ako to see kung sino may ari noong kamay na yon and I smile when I saw my brother. 

     "Kuya" masiglang bati ko dito, he smiled back at me bago tumingin sa mga kasama ko "Ay oo nga pala kuya mga seatmate ko, transferee sila" panimula ko "Kuya this is Xaviel, Francis and Perseus seatmates ko. Guys this is my brother Kuya Maximus" pagpakilala ko sa kanila "He's the youngest among them" dagdag ko pa. 

    "Nice to meet you po" magalang na saad ni Xaviel sabay ngiti "Kaya naman po pala maganda si Ry dahil nasa lahi" nakakalokong saad ni Francis kaya nabatukan siya ni Xaviel kaya natawa naman kami. "Pagpasensyahan niyo na po at hindi nakainom ng gamot " nahihiyang saad ni Xaviel habang takip ang bibig ni Francis kaya lalo kami natawa. 

    Kuya Max chuckles "Its okay sanay na ko. My brothers way too crazy" sagot ni kuya "Lagot ka kayla Kuya if they heard it" saad ko pero tinawanan niya lang ako "They're not here Aella. Don't worry too much" sagot ni Kuya Max but he got startled as he felt a hand on his shoulder. 

    "Who's not here, Max" tanong ni Kuya Alli "H-ha? May sinabi ba ko?" tarantang tanong ni kuya Max nagpipigil ng tawa ang dalawang mokong "Wala naman ako sinabi diba Aella?" pagpapasa ni Kuya Max at dahil mabait akong kapatid hindi ko siya ilalaglag "Yeah Oppas its nothing" sagot ko kaya tumango ang dalawa bago napatingin sa tatlong kasama namin. 

     "Sana pala inantay ko na kayo bago ko pinakilala para isahan na" pabirong saad ko kaya natawa naman sila. "Anyway Kuyas this is Xaviel, Francis and Perseus. Guys this is my other two brothers Kuya Allistar and Kuya Phython" pagpapakilala ko sa kanila ganon din ulit ang ginawa ng tatlo minus the statement Francis said earlier, nadala na din siguro.

      "Aella, what you want?" tanong ni Kuya Phy "Anything na lang kuya hindi pa naman ako masyado gutom" sagot ko sa kanila "Max, samahan mo si Phy ansakit na ng paa ko" reklamo ni Kuya Alli sabay upo sa tabi ko. "Bigat bigat mo kasi kaya ayan di na kaya ng paa mo" pang-aasar ni Kuya Max dito at akmang aabutin ni Kuya Alli si Kuya nang bigla ito tumayo at hinila na si kuya Phy paalis.   

Ain't No SunshineWhere stories live. Discover now