Isang katok ang nagpagising sa masarap na pagsi-siesta ko.
I groaned as I opened up the door.
"Ano, bakit?" Tanong ko kay Allain habang nakataas ang kilay ko.
"Merielle..." Pumasok siya sa kwarto tapos lumingon-lingon. Parang may hinahanap pa siyang iba eh ako na nga lang ang nandito sa kwarto na 'to! "Uy, sorry na."
Inaayos ko 'yung kumot sa kama at kunyari hindi ko siya pinapansin. "That wasn't really funny, Allain." Matagal lang kaming nagkatinginan, hanggang sa niyakap niya ako. Well, at the end magagalit ako sa kanila pero forever friends pa rin kami!
Kinurot ko na lang siya sa tagiliran. "Anong oras kayo nakabalik, bakla?"
Ngumisi siya. Okay na, bati na kami. Balik pambubwisit na ulit siya! "Just two hours ago, dapat sumama ka eh!"
"Naku, edi wala namang matitira kay Sara dito, okay na 'yon mas nakapag-relax nga akong wala kayong lahat eh." Natawa ako sa sarili kong sagot.
I checked the time on my phone at magaala-sais na ng gabi. Ang haba ng tulog ko ha!
Lumabas na rin kami ng hotel para makipag-kulitan ulit sa mga ka-batchmates at kaibigan ko. Naghahanda ng bonfire ang ibang boys at naguumpisa na kaagad ang iba sa pagiinom. Sa kabilang banda naman, parang nagchichismisan sila Phoebe, Sara at Mia.
Wow, himala. Nakikipagusap sa amin si Mia na numero unong hater namin sa highschool noon!
"Oh, there she is." Sabi ni Phoebe nang makita kami ni Allain na papalapit. "Tulog ka ng tulog, Merielle. You're missing out the fun."
I shrugged. "Ang sarap ng malambot na kama eh." Tapos solo mo lang!
Lumibot ang mata ko at tumigil 'yon kay Damian na kasama sila Sander at iba pang boys na nagiinuman na kaagad. He's having a good laugh with the others habang naninigarilyo siya.
Saan kaya siya nag-stay? Nakakuha kaya siya ng ibang kwarto or lumipat ng hotel?
Ano naman, Merielle?!
Iniwas ko na lang kaagad ang tingin ko dahil ayoko nang maalala ulit 'yung nangyari nung umaga. Well, at least, wala na siya. Peaceful life!
Lahat napalingon sa maingay na tunog ng mic failure at hawak iyon ni Allain. "Last night na natin dito guys, let's have some fun and get wilder, braver, happier!" He cheered on, at marami sa amin ang sumabay sa pagsigaw.
BINABASA MO ANG
Why Did We Meet Again? (Flavors of Love #1)
RomanceBad idea talaga ang mga class reunions, lalo na kapag gusto mong iwasan 'yung EX mong hindi mo makalimutan! So much can change after 8 years. The stress of senior high school, pressure in college years, busy schedules, and devastating break-up -- la...