Hindi na nangulit ang nanay ni Rico sa tapat ng steak house. Nagdaan ang dalawang linggo, at nagpatuloy ang kaso ni Papa laban sa dati naming accountant.
Nagpatuloy ang pagdami ng tao sa steak house, at may ilan na sikat na vloggers at social media personalities ang mga kumain at nag-feature ng steak house namin.
Gumanda lalo ang kita ng Pink Steak House. All thanks to its new owner, and his strategic mind.
Dalawang linggo na rin na hindi ako kinikibo ni Damian. Ngayong nagiging stable na ang kita at arangkada ng steak house, madalang na lang siyang bumisita doon at panay ang labas niya sa bansa para sa ibang investment business niya.
He didn't bother to text or even call me. Pagkatapos ng nangyaring sagutan namin, parang nilayo na naman niya ang sarili niya at dumistansya siya.
That stupid man.
"Hoy, bakla, siguro kailangan mo ng kape." Natauhan ako nang hampasin ako ni Allain sa braso. Natawa naman ang kasama niyang si Sander, classmate namin siya dati sa highschool at mukhang nasa dating stage na sila.
"Ah, sorry." Nangamot ako at tinuon ang focus ko sa notepad. "Ano nga ulit order niyo?"
"Dalawang tenderloin steak, medium." Sabi niya. "Plus, mashed potatoes and stir-fry asparagus on the side." Sinulat kong lahat iyon sa notepad habang tumatango. "Saka pa-order rin ako ng hindi absent-minded na waitress na tulala sa horizon."
Inirapan ko si Allain bago ako pumuntang counter at i-forward ang order niya. Saglit pa lang akong namamahinga nang maluto ang mga naunang orders at tinulungan ako ni sally i-serve 'yon.
"Anong balita?" Tanong sa akin ni Sally pagkabalik namin sa counter at nang humupa ang pagsi-serve namin. "Walang text sa'yo?"
Napailing ako. Maling-mali na magkwento kay Sally tungkol sa problems of the heart. Noong nakaraang linggo na halos ituring akong hangin ni Damian simula nang magtalo kami, hindi ko mapigilang umiyak at napansin lahat ni Sally at Lillian iyon.
At pinagsisihan ko namang umandar ang bibig ko para magkwento.
At dahil dyan, alam na ni Sally ang past history namin ni Damian, at ang present story.
At ginugulo niya ako. "Hay, sana pansinin ka na ni Boss Pogi. Missing in action na naman siya." Nakapalumbaba na sagot ni Sally. "Sasama kaya siya bukas sa teambuilding outing?"
![](https://img.wattpad.com/cover/313577726-288-k275113.jpg)
BINABASA MO ANG
Why Did We Meet Again? (Flavors of Love #1)
RomanceBad idea talaga ang mga class reunions, lalo na kapag gusto mong iwasan 'yung EX mong hindi mo makalimutan! So much can change after 8 years. The stress of senior high school, pressure in college years, busy schedules, and devastating break-up -- la...