13 : The Boss in Black

444 15 9
                                    

"Ang pogi, shet! Nalalaglag ang panty ko!"



Patuloy akong naglampaso ng sahig habang pinapakinggan ko si Sally na kinikilig.



Maaga kami pinapasok ni Papa sa steak house para kilalanin ng staff ang bagong may-ari ng lote at ng Pink Steak House.



"Excuse nga, usog ka nga don." Iritadong sabi ko kay Sally na parang wala na naman sa sarili niya dahil nakakita siya ng gwapo. Nakaharang kasi siya sa daanan na nililinis ko.



Nakadantay siya sa counter habang pinapanood si Papa at si Damian na naguusap nang masinsinan sa pinaka-sulok na table.



May kasamang dalawang abugado si Damian at 'yung isa doon ay kanina pa pinagdidiskitahan ni Sally.



Kanina pa ako niyayaya ni Papa na sumama sa usapan nila pero nagpalusot akong maglilinis ako dahil alam ko naman na ang paguusapan nila.



Sapat nang masama ang loob kong tanggapin ang kapalaran na si Damian na ang may full ownership ng steak house at poporsyento na lang kami sa equity simula ngayon.



Hindi ko na kailangan umupo sa tabi nila at makipag-usap dahil tapos na kaming mag-usap.



Saglit kong tinignan ang table nila at pinanood na pumirma si Papa sa mga nakalatag na papel sa mesa. Mabilis ko ring inagaw ang tingin ko dahil sinalo iyon ni Damian tapos ngumiti siya sakin.



Shit.



Sa pagma-mop ko tinuon ang gigil ko. Naaalala ko pa rin ang mga ginawa ko nung pumunta ako sa bahay ni Damian noong nakaraang linggo. Dala yata ng sobrang inis at pikon ko kaya ko naisipang gawin 'yon.



"Aray, easy ka lang!" Napasigaw naman si Sally nang tumama sa paa niya ang mop at napalakas ang pagtulak ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nagpamewang ako. 



"Umayos ka kasi, masyado kang halatang bet na bet mo 'yung pogi eh." Nag-irapan naman kami ni Sally pero sumunod naman siya sa akin kaagad at lumipat ng pwesto.



"Ay, ganon ba dapat? Dapat ba hindi ipahalata, ate Merielle?" Sabat naman ni Lillian na kanina pa pala nakikinig sa amin. Nakatambay kasi ang lahat ng empleyado sa malapit sa counter dahil maaga pa naman bago magbukas at mukhang mali-late kami ng open ng store ngayon.



Dahil maraming pinaguusapan si Papa at Damian. 

Why Did We Meet Again? (Flavors of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon