Chapter 28

8 0 0
                                    

Sakura
Napagdesisyonan naming umaalis ng umaga upang mabisita ang puntod ni Oto-san kaya ngayon ay lahat kami asa baba na at naghahanda para umalis

"Sakura ano pala gagamitin nating sasakyan?"tanong naman ni Minami sasagot na sana ako ng sumagot si Grey

"I rented a car. Para habang andidito tayo ay may magagamit tayo"sagot nito kaya napatango naman si Minami

"Ready na kayo?"lumingon ako kina Okasan na kasalukuyang inaayusan si Ella ng buhok

"Oo ate excited na kami, pag tapos nating pumunta sa papa saan tayo pupunta pa?"tila excited na tanong ni Emman saakin

Ngumiti naman ako dito "Sa ueno tsaka sa Odaiba, may statue of liberty doon magiikot tayo"nakangiting saad ko dito kaya napapalakpak ito

"Excited nako ate"saad nito at lumapit kau Okasan. Tumingin naman saakin si Okasan at ngumiti kaya nginitian ko ito ng tipid

Don't ruin the mood Sakura

"Sakura, kelan tayo pupunta sa dati nating school?"napalingon naman ako kay Minami nang mag salita ito

"Mamaya kung maaga tayo makakauwi"sagot ko kaya napatango ito

"Okay na tara na"saad ni Okasan at tumayo na sa pagkaupo nang matapos nitong ayusin ang buhok ni Ella





LUMIPAS ang ilang minuto nakarating kami agad sa puntod ni Oto-san buti nalang walang traffic dahil maaga kaming umalis

"Ishikawa Yakeru"rinig kong banggit ni Okasan sa tabi ko nang lingonin ko ito nakita ko ang pagbagsak ng luha nito kaya napaluhod ito

"Mina, pakikuha muna yung mga bata ikot muna kayo mag uusap lang kami ni Okasan "saad ko dito kaya tumango ito

"Ella, Emman may nakita akong bilihan ng Cotton Candy tara"kaya tumango naman ang dalawa at sumunod kay Minami

"Sa may kotse lang kami"saad naman ni Grey sa tabi ko kaya tumango kaya umalis na ang dalawa at ngayon kami nalang ni Okasan ang nandidito

"Sorry Yakeru patawarin mo'ko"hagulgol nito habang nakaluhod umiwas nalang ako ng tingin pakiramdam ko ay naiiyak narin ako

"Otōsan watashi wa sudeni anata ga aisuru josei o tsurete kimasu" Dad I already bring the woman you love mahinang bulong ko sa hangin

"Watashi wa anata o aishite ita yakeru, watashi wa hontōni shimashita"I loved you Yakeru, I really did umiiyak na saad nito habang nakayuko at hawak hawak ang lapida dito

Kaya lumapit ako ng unti at hinimas ang likod nito, napalunok nalang ako dahil naiiyak din ako

"Gomen'nasai Yakeru"patuloy parin ito sa pagiyak kaya wala nakong magawa kundi yakapim ito at himasin ang likod

"Oka-san"mahinang saad ko habang nakayakap ngunit umiiyak parin ito

"Sakura"tinignan ko lang ito ng tawagin ang pangalan ko

"Patawarin mo'ko anak"umiiyak na saad nito at humarap saakin at hinawakan ang kamay ko

"Patawarin mo'ko k-kase-"hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito kaya napatingin ito saakin

"Sore wa daijōbudesu, watashi wa okāsan o rikai shite imasu"It's ok, i understand mom nakangiting saad ko habang umiiyak

"Ayaw mong lumaki mga kapatid ko ng hindi buo ang pamilya gaya ko pero sana intindihin mo din sarili mo Okasan"nakangiting saad ko habang patuloy ang pagdaloy ng luha ko

"P-paano mo n-nalaman?"utal na tanong nito kaya ngumiti lang ako

"I heard you, that night after we talked about me and Grey"napayuko ito at umiyak ng sabihin ko iyon

What Is LoveWhere stories live. Discover now