ch4

6 2 4
                                    

Monday MRU

It's 11:45 am at nakikinig ako ngayon sa teacher na nagdidiscuss.

Okay, scratch the word 'nakikinig' because I'm actually not listening at all. Lumilipad na naman ang isip ko sa kung saan saan. Nginangatngat ko ang aking ballpen habang inaalala ang mga nangyari nung nakaraan.

I went to Soul Records yesterday to see him ngunit nabigo lang ako dahil walang boy-singkit na nagpakita roon.

My friends are also wondering why do I keep wanting to see him close. Eh hindi naman daw magbabago ang mukha nito. Nagmumukha na raw akong stalker.

Hindi naman pangiistalk ang paghintay sa harap ng building nila diba? Gusto ko lang naman siya makita.

Tumunog ang bell hudyat para sa lunch break ng lahat. I fixed my things na nagkakalat sa desk at ipinasok iyon sa bag. Nagsilabasan na ang ibang mga estudyante at sumunod naman ako.

Ah right, I have a meeting today. Pupunta pa pala ako mamaya sa audi at kailangan ko pang samahan si Kash mamaya sa pangingilala doon sa isang freshman.

Hays. Bat ko pa kasi siya ginawang rason? Nadamay pa tuloy ako.

Patuloy akong naglalakad nang biglang may humarang sa aking daanan.

Cid.

Tumaas ang kilay ko sa kaniya. I decided to ignore him at umambang dadaan sana sa gilid nang hinarangan na naman ulit ako nito.

I rolled my eyes in annoyance. Heto na nga bang sinasabi ko.

"Ginagago mo ba ako?" Tanong nito sa akin.

Kumawala ang isang akward na tawa mula sa aking bibig dahil sa kaniyang tanong.

At ako pa talaga ang nanggagago ngayon?

Kumunot ang kaniyang noo habang nakatingin pa rin sa akin. I pursed my lips when I realized what I did.

"Did you just laugh?" Ramdam ang pagkainis sa boses nito.

"I didn't." I pouted and looked away.

Nilapit nito ang kaniyang mukha sa akin kung kaya't ako ay napaatras ng bahagya. It is so damn awkward to be this close to him. He may be my crush but never in my life have I thought of doing this with Cid.

"What's wrong with you?!" Naiinis ko itong tinulak ngunit hindi naman siya natibag dahilan para ako ang mapaatras. Umayos ito ng tayo at patuloy pa rin akong tinititigan.

This time, ang noo ko naman ang nakakunot. I know where he's coming from. He got offended because I ignored him.

I know I am at fault but I'm really not interested. Dapat ay alam niya na iyan!

"I'm sure you've seen my message yesterday. Who the hell are you to ignore me?"

I bit the insides of my cheek because I don't wanna laugh again. He's always been like this.

Marahan kong ipinikit ang mata to calm myself down.

"I'm sorry." Sabi ko at nilagpasan na siya. Bago pa ako tuluyang makalayo, hinawakan nito ang aking braso para pigilan akong umalis.

Argh! Hindi ba niya naiintindihan ang mga response ko?! I don't wanna talk to him anymore!

"You liked me first, Sora." Matigas nitong pagbigkas sa bawat salita.

Yes, I do. But not in that way.

"Hindi ganoon yun, Cid. Please let me go." Mahinahon kong pakikiusap kahit na kumukulo na ang aking dugo.

To The One That I Would DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon