Chapter 27

329 17 1
                                    

BBM's POV

Tatlong araw na lang at birthday na ni Jade kaya eto, pinuntahan ko si Manang Imee sa kanila. I need to talk to her and Charlotte about sa surprise ko sa asawa ko. Sila kasi ang organized when it comes to this eh.

Andito kami sa garden ng bahay ni manang. We're waiting for Irene and Charlotte. Asan na kaya yung mga yun? Baka nagmall pa or nag Starbucks. Knowing them, ganun ang gagawin ng mga yun before meeting us. Parang kambal yung mga yun, di mapaghiwalay pag magkasama.

I told my wife that I will meet my staff para dun sa project na uumpisahan namin. Syempre, surprise to. Hindi dapat makahalata ang asawa ko. Kaya hindi ko din sinabi sa mga anak ko kasi for sure, madudulas sila sa tita Jade nila.

I was just browsing my insta and emails when manang joined me in the garden na may dalang meryenda for us. So I switched off my phone para makapag usap kami.

'so, what brings you here my dear brother?'

Humigop muna ako ng kape before answering her. Kahit ako, wala pang naiisip na plano. Kaya nga ako nandito para humingi ng tulong sa kanila.

'you see, Jade's birthday is in 3 days. I want to prepare a party for her. That's why I set up this meeting with you and the girls'

'oh. How time flies no? Birthday na pala ng hipag ko. How old is she?'

'she will turn 33 on the 10th'

Nagulat naman si manang. Sabi sa inyo, hindi pa mukhang 30+ ang asawa ko eh. Nagmamature man ang itsura pero walang wrinkles.

'33?! She looks like around 26 or 27 lang Bonget. Mas mapag aakalahan pa ngang asawa ni Simon si Jade eh. Hahahaha!' she said

Sumimangot ako. Syempre alam ko naman na malaki ang age gap namin pero kelangan ba talagang isampal yun saken ha?

Napansin yata ito ni manang kaya tumigil sya sa pagtawa. Tsss.

'I was just kidding. Stop frowning na. After all, ikaw naman ang pinakasalan ni Jade, hindi yung anak mo.. hahaha!'

'stop it manang. Hindi nakakatawa. Anyway, I want to surprise her.. asan na kasi yung dalawa?'

She was just about to dial on her phone nung sumulpot na ung dalawang inaantay namin. Napansin namin na may dalang paper bags from Starbucks tong mga to. See? Sabi sa inyo, nagtambay muna ng Starbucks yang mga yan eh. Napailing na lang ako.

'hey people!' that's Irene and Charlotte

Tumayo lang kami at bineso silang dalawa saka kami naupo para pag usapan ang party ni Jade.

'okay. The reason why I called you here is because, my wife's birthday will be in 3 days.. I want to give her a party. You know my wife. Ayaw nun ng party pag birthday nya, right?' pag uumpisa ko

'ay, magbebirthday na pala ulit si bunso? Oo nga no. What did she tell you about celebrating it?' Charlotte

'she wants to organize a charity event. As of this moment, pumipili pa sya ng charitable institution. Knowing her, baka nakapili na yun' I answered her

'oh ayun naman pala eh. No need to throw a party for Jade. She would appreciate it if intimate celebration lang. Baka magwala yun pag nakitang maraming bisita sa party nya' Irene said

I agree. Ayaw nun ng maraming tao. Naga adjust lang yun lagi pag sumasama sa mga event ko na kailangan ng presence nila ng mga bata.

'dont worry guys, it will be an intimate celebration. Im thinking na after ng charity event nya saka tayo magcecelebrate ng tayo tayo lang..' I said

Fell in Love with the President (Book 2)Where stories live. Discover now