Chapter 2

647 38 4
                                    

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko ang yakapin siya dahil sobrang namiss ko siya o ang sampalin siya ng silya....

na bakal....

na may mga nakausling pako....

na umaapoy!

Ang kapal talaga pagkatapos niya kong sanggain ng kotse niya at tawaging stupid nakuha pang ngumiti ng gaga na nakakapangasar.

Hindi...Hindi ako makakapayag na siya si George. Dahil si George ay di yon magagawa sa akin at ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay sobrang layo sa kanya.
Kilos lalaki kasi si George at boyish kung manamit eh at ang pinakaimportante sa lahat ay walang arte sa katawan. Pero ngayon? Kahit ata taga ibang planeta maaamoy ang kaartehan niya.

"George?" Sabihin mong hindi ikaw si George please.

"Don't call me George anymore. My name is Elle Georgia so you either call me Elle or Georgia but I prefer Elle more."

Nakakainis. Nasaan na yung dating George bakit ka nagbago? Anong nangyari sayo?

"Nakakainis ka. Sabi mo di mo ko kakalimutan saka susulatan mo ko. Bakit di mo nagawa yon?"

Agad namang napataas yung kilay nito sa akin.

" Miss stupid people change and I'm one of them."

Kumulo naman ang dugo ko sa narinig ko. Tinawag niya na naman akong stupid. Wow ang talino niya ha. Pero matalino naman talaga si George eh dati kasi lagi akong nagpapaturo sa kanya kaya nga mataas grades ko nung elementary kami dahil siya tutor ko.

"Oo nga tama ka nagbago ka na. Sobrang laki na nga ng pinagbago mo."

"I know." Sabi niya habang tinitignan ng maarte yung kuko niya.

Hmmp! Excited pa naman ako makita siya tapos ito yung ibubungad niya sa akin?

" Diyan ka na nga. Gusto ko sanang sabihing namiss kita ng sobra pero binabawi ko na."

"Like I care." Sabi niya habang inirapan ako.

Ouch! Ang sakit lang.

Talaga bang baliwala na ako sa kanya?

Dati konting gasgas lang sa akin grabe na siya magreact na parang mamamatay na ako pero ngayon parang wala lang sa kanya yung sugat ko ng makita niya to. Naramdaman ko kasi na tumutulo na yung dugo sa braso ko eh pero pinupunasan ko lang dahil nga kausap ko pa siya at nakita kong napatingin lang siya dito sabay tingin ulit sa kuko niya.

Nakakaiyak naman. Siguro mamaya na lang ako iiyak kapag nasa bahay na ko sobra akong nasasaktan ngayon parang pinupukpok ng martilyo yung puso ko.

"Sayang lang pala oras ko dito. Sige George I mean Elle nice to meet you na lang."

Umalis na ako ng walang lingon lingon. Shit naiiyak na talaga ko pero kailangan kong pigilan. Sumabay pa yung sugat ko ang kirot eh.

Pinuntahan ko na si Nanay ng makapagpaalam na ako. Kailangan ko na ring maligo dahil puro putik na ako.

Sakto namang nakita ko siyang nagaayos ng lamesa.

"Nay uwi na po ako."

"Oh bakit? Ang aga naman di mo ba hihintayin yung Mommy Lyra mo? Tiyak akong hahanapin ka non." Si Mommy Lyra yung Mommy ni George. Mommy na din tawag ko sa kanya kasi nga halos dun na rin ako tumira sa kanila dahil kay George.

"Siguro bukas na lang po. Nay tignan mo naman ako maawa ka puro putik na po ako oh tapos dumudugo pa sugat ko. Hustiya Nay."

"Ay kadramang bata sige na nga't maligo ka saka linisin mo agad yang sugat mo baka maimpeksyon pa yan. Ay teka nakita mo na ba si George mo?"

Enemies or Lovers? (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon