Chapter 3

691 39 14
                                    

"Ano tapos mo na bang isipin ang maitim mong paghihiganti?"  Sabi ni Shai sa akin saka tumingin ulit kay Bebang.

"Bebang yung lagari at mga kitchen knives nalagay mo na sa bag mo?"

"Oo nandito na. Saka nagdala na rin ako ng mga machine guns at mga bomba kung saka sakali alam mo naman medyo bigatin itong kakalabanin natin."  Habang kunyaring tinitignan yung bag niya. Nakita ko naman ang ibang tao sa canteen na napalingon sa kanya saka takot na nagsialisan sa mga pwesto nila. Juice ko! Baka makulong pa kami nito eh.

"Guys nagdala din  ko ng magic beans yung katulad nung kay Goku. Para kung masugatan o masaktan man tayo mababalik agad ang ating lakas dahil sabi nito ni Keina eh isang Super Saiyan ang bakulaw na yon." Buong pagmamalaki na sabi ni Jaja na akala mo ay napakalaki ng naitulong niya.

Nakwento ko kasi sa kanila yung kawalanghiyaang ginawa sa akin ng sugo ng kasamaan. Mula nung binunggo niya ako, sa pagbi-beast mode niya sa akin at hanggang sa pagsabotahe nito sa aking pink na bike. Kaya ayan nawalan na naman sila ng turnilyo sa utak nila.

"Tumigil nga kayo. Pinagtitinginan na tayo dahil sa mga pinagsasabi niyo."
Natatawang sabi ko sa kanila mga abnoy kasi. Baka magawa namin plano nila diba? Gaya nga ng sabi nila, bakulaw yong isang yon. Nakwento ko kasi sa kanila kung gaano kagaling sa MMA yun. Di ko nga alam dun eh isang araw, bigla na lang nagkainteres sa martial arts. Basagan kaya ng mukha dun.

Pero dahil spoiled bratt ang isang yon pinayagan na nila Mommy at Daddy yung anak nila. Mabuti na rin daw yon para pang- self defense.  Sus alam ko namang takot sila dun sa anak nila na pigilan to. Excuses, excuses.

"Kasi naman girlalu! Tinapak-tapakan niya ang pagkatao mo. Kinalimutan na nga niya ang pagsasamahaan niyo tapos nagawa pa niyang saktan ka?" Pagdadrama ni Bebang na akala mo ako siya.

"Tama! Humingi ka ng hustisya! Manghingi ka pambayad danyos dahil nasugatan ka sa pagbunggo niya sayo. Pagkatapos libre mo kami! Woooh!" Sabi ni Jaja saka nag-apiran yung tatlo.

"Mga baliw. Wag na nga natin pag-usapan yung babaeng yon. Nakakairita lang!"

"Ihh wait lang! Paano namin magagantihan yon kung di namin alam itsura." Nakasimangot na sabi ni Shai. Hindi kasi nila alam yung itsura ni George dahil di ko rin naman pinapakita sa kanila. Para s

"Yes korekching! Kami na lang ang gaganti para sayo. What prends der are por five six!" Parang shungang saad ni Bebang.

Nilabas naman ni Jaja yung notebook niya saka isang lapis.

" Ilalabas ko na ang aking drawing skills mga baklitas. Ngayon Keina idescribe mo na kung ano itsura niyang bakulaw mong kababata! For sure kasing pangit ng ugali niya ang mukha niya!"

Napaikot na lang ako ng mata.

Pangit?

Pangit?

Si George pangit?!

Napatawa na lang ako ng malakas.

"Hala siya! Nabaliw na. Wala ng bukas? Wala ng bukas?" Sabi ni Jaja

"Kasi naman sabi niyo pangit si George." Sabay punas ko sa luha ko dahil sa kakatawa.

"Bakit hindi ba?!" Sabay sabay nilang sabi.

HINDI!

SERYOSO! HINDI TALAGA SIYA MAGANDA!

"Ano ba! Sobrang pangit nun guys! Hahaha! As in! Walang taong makakatingin ng matagal sa pagmumukha niya dahil sa taglay niyang kapangitan." Kinuha ko yung coke ko saka ininom ito.

Enemies or Lovers? (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon