Chapter 6

625 28 13
                                    


Nasa elavator kami ngayon ni Sugo pababa sa parking lot. Habol hininga ako dahil nagfeeling Flash siya kanina. Ang bilis ng lakad akala mo sinisilaban ang pwet niya. Ang lalaki ng mga hakbang, eh di siya na mahaba ang legs! Kaloka!

Nasa bandang likod niya lang ako kaya kita ko kung gaano siya kainis. Aba di mainis siya! Akala niya ang ganda-ganda niya?

Pwe!

Paglabas namin sa elevator ay umalis ito agad kaya naman lakad-takbong sinundan ko na naman siya.

" Huy! Wait lang naman." Habang hawak ko dibdib ko. Hindi naman mahina stamina ko. Kaya kung magka-zombie apocalypse man ay for sure! First ako, first akong mamamatay!

Huminto ito bigla saka galit na humarap sa akin.

" Then stop following me." Madiin niyang pagkakasabi.

" Joke lang! Hala sige lakad ka na ulit." Evil mode na si Sugo eh. Katakot na.

Nang makarating na kami sa kotse niya na talagang ang ganda. Iba to dun sa binunggo niya sa bike ko. Mas malaki to and guess what kung ano kulay?

Pink!

Joke! Hater yan ng pink. Diyan kami laging nag-aaway dati eh.

Malamang Black! Favorite niya yan saka yung white. Di naman masyadong halata di ba? Kulay pa lang ng unit niya.

Dali-daling pumasok ako sa kotse niya at buti na lang hindi nakalock dahil baka iwanan ako dito. Safety measure na din.

Pagkaupo ko ay agad kong pinagmasdan ang loob nito. All white yung interior design naman nito.

Wow! Gondo ng wheels ni Sugo. Pangrich kid talaga.

And kaamoy niya din yung car niya. Siguro binuhusan niya ng pabango niya to.

Ano kayang model ng car na to?
Gusto niyong malaman?

Sige kayo magtanong!

Wala naman kasi akong hilig sa mga ganito.

Sumakay na din siya agad at inistart yung kotse. Palabas na din kami ng building nang saglit na napatingin ito sakin saka marahas na hininto yung kotse.

" Really, stupid? Di mo ba nakikita yung seatbelt diyan? Fasten it!" Mataray na sabi niya kaya tarantang ikinabit ko na yung seatbelt ko.

Tanga kasi Keina! Alam mong ayaw na ayaw niyang di nakakabit yung seatbelt. Lagi ko kasing nakakalimutan kaya lagi din niya akong pinapagalitan dati.

See? Nag-aalala pa rin siya. Ayiiee! Nandiyan pa yung George ko nagtatago lang. Pakipot pa kasi. Hahaha!

Wala sa sariling napapangiti na pala ko.

" Stop smiling! Nakakainis. Di ka na nakakatuwa!" Galit na sabi niya.

Problema nito? Pati ngiti ko pinapakialamanan.

" May regla ka ba? Pati ngiti ko inaano mo."

" Shut up." Pagtitimpi niya.

Ilang minuto din kaming bumiyahe at saka huminto sa isang type ng mamahaling club. Ang daming magagarang kotse kasi ang nakaparada at yung mga pumapasok ay talagang ang gagara din ng mga kasuotan.

Dahan-dahan naman akong napatingin sa suot ko. Patay.

Short and T-shirt? Parang mamamalengke lang ako putek!

Narinig ko yung pagbukas ng pintuan kaya napatingin ako kay Sugo na nasa labas na pala at tumutungo na sa may entrance.

Bwisit na babae! Di talaga marunong maghintay.
Agad din akong bumaba saka hinabol siya.

Enemies or Lovers? (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon