Chapter 7

28 2 1
                                    

Maaga akong gumising para makapaghanda ng kakainin namin ni Sugo. Alam ko kasing bangag 'yon ngayon.

Naalala ko pa na baka may pasa pwet non dahil sa pagkakatulak ko sa kanya. Napahagikhik naman ako sa naisip ko. Digital na talaga ang karma ngayon.

Nagluto na ako ng breakfast namin saka nagtimpla na ng black coffee. Favorite niya kasi yang inumin tuwing umaga.

Nang maihain ko lahat at papunta na sana sa kwarto niya, kaso naunahan na pala ako ni Sugo. Di niya yata napansin na nandito ako dahil kinukusot-kusot pa mata niya habang papunta sa ref para uminom ng tubig.

Napasipol naman ang maliit na parte ng utak ko kung saan nagtatago ang kamanyakan na binuo ni George dati.

Ang sexy niya mga kapatid!

Paano kitang-kita ko yung legs niya na masayang kumakaway sakin dahil maluwag na t-shirt lang ang suot niya.

Grabe Keina maghunos dili ka please hindi ikaw yan. Isa kang mahinhin na binibini.

Tumikhim na lang ako ng malakas para madistract ko si brain at pati si Sugo.

" What the?" Halata namang nagulat siya nang makita ako.

" Ahm..Naghanda ako ng breakfast alam ko kasing may hangover ka pa?" Di ko siguradong sabi sa kanya.

" What makes you think I'd eat that?" Sabay turo doon sa pagkain na inihain ko.

" Dahil gutom ka?"

" No. I will not eat these food." Winagayway niya pa kamay niya saka nagtungo sa may living room pero bago niya pa magawa yon ay mabilis kong kinuha yung niluto kong itlog saka inihagis sa kanya. Ayon sapol sa ulo.

Bulls eye!

" The f*ck?! What's wrong with you?!" Galit na sigaw niya sakin saka inis na tinanggal yung itlog sa ulo niya.

" Napakasama mo! Pinaghirapan ko kaya yan tapos mag-iinarte ka? Dapat lang sayo yan." Kumukulo na rin ang dugo ko sa babaeng to. Umagang-umaga ganyan umasta?

Pwes! Hindi yan pwede sa akin.

" Did I oblige you to cook for me? No."

" Kumain ka na." Pagpipilit ko.

" No."

"Isa Elle!"

" Who are you to control me? You stupid!"

" Fine! Eh di wag. Bwisit ka!" Ako na nga tong concern sa kanya. Napakadaming arte. Akala mo naman kagandahan.

Weh? Sure kang di siya maganda?

Padabog akong lumakad papuntang kwarto pero bago yon ay binangga ko siya saka tinignan ng masama.

Hmp! Iniwan ko na yung pagkain bahala siya. Hindi ko yon ililigpit at hinding-hindi na rin ako magluluto para sa kanya.

Naligo na lang ako at naalala na bibili pa pala ko ng school supplies. Meron namang pinabaon sakin si Nanay na pera saka may ipon din ako. Natignan ko na rin sa google map kung saan yung pinakamalapit na mall. Hindi naman kasi ako aasa na sasamahan ako ng bwisit na Sugo na yon.

Paglabas ko ng kwarto ay prenteng-prente naman ang Sugo sa panonood doon sa tv niya. Mukhang nakaligo na din ito dahil basa pa buhok niya.
Napatingin naman ito sa akin pero mabilis ko itong inirapan.

Epal.

" Where are you going?" Narinig ko na naman ang maarte niyang boses. Kadiri talaga.

Enemies or Lovers? (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon