If I've been better

8 2 0
                                    

Noong una gusto lang naman kitang kausap pero ng naglaon di ko namalayang ayaw ko na palang may iba kang kausap bukod sakin. Gusto ko kasi yung atensyon mo nasa akin lang walang kahati naka-focus lang sakin. Noong una kang umamin sakin na may gusto ka sakin di ako naniniwala dahil nasira na ang reputasyon ng mga babae saking pananaw pero idinaan mo sa biro ang nararamdaman mo na parang di ka nasaktan. Makaraan ang ilang linggo na sawi ka sa pag ibig nasaktan ka pero mas nasaktan ako dahil sinabi mo na ayaw mo muna akong kausapin pero ito si ako nagpumilit kaya nakausap kita. Pagkaraan naman ng ilang buwan tinanong ka ng mga kaibigan ko kung nag-uusap ba tayo sa chat at sinagot mo naman ng oo kaya naman simula ng araw na iyon puro ikaw nalang bukambibig nila pag nakikita ako. Simula din nang araw na iyon kung naalala mo man o hindi sabi mo gusto ko ring pansinin kita sa personal pero nahihiya talaga ako kaya di ko magawa kaya naman humingi nalang ako ng paumanhin saiyo alam ko na gusto mo iyon pero di ko magawa. Nang sumunod naman sa sa canteen ginusto mo namang ilibre kita ngunit gustohin ko man di ko talaga kaya dahil nahihiya ako sa mga kaibigan natin. Nang sumunod ulit ng kita tayo sa raining ng tanghalian ginusto mo ulit na magpalibre pero di ko naman nagawa dahil sa rason wala akong pero ngunit sobra naman talaga ang dinala kong pera. Ulit ng sumunod gusto mo palibre sa booth namin pero di kita nilibre kaya ikaw na mismo bumili ng ticket at ng makapasok ka sinabihan mo ako na "ako nlang ang lumapit dahil mo magawa." Sa araw naman ng iyong kaarawan humingi ka ulit ng isang munting regalo mula sa akin na kahit ano basta mula sa aking puso pero di ko na naman naibigay sayo dahil nahihiya ako. Isang pagkakataon lang siguro yung pagkamahiyain ko ay di umobra ng hinatak mo ako ng sinabi ng mga kaibigan ko na magpa-picture tayong dalawa kaya ayon di ko alam kung tama ba tindig ko or hindi basta matapos lang agad dahil nararamdaman kong parang sasabog na ako. May isang araw na di ko alam bakit nalaman ng mga kaibigan mo na pinadalhan kita ng liham pero di ko inaasahang lahat pala ng kaibigan mo alam na kaya ganun sila kung tumingin sa akin kaya mas lalo akong nahiya saiyo at ng sa plaza na tinawag nila ako dahil naroon ka daw ng sumunod naman ay sa canteen pinagsigawan nila apelyido ko ng pumasok kami magkaibigan dun kay wala na akong mukhang maihaharap pa saiyo at sunod-sunod na pagkakabusted mo sakin. Kaya ng nakaraang taon di ko alam paano ko maipapaliwanag sa sarili ko ng umamin ka ulit sa akin na may gusto ka sa akin pero isa lang ang pumasok agad sa isip at yun ay makapaghiganti saiyo dahil iniisip kung gusto mo ako at ano man ang mangyari maglalakas loob ka ulit at di susuko pero tama nga at di ka sumuko pero ng pinakita ko na parang wala akong interes sayo dun ka tumigil at yuna ang pinagsisisihan ko dahil gusto ko lang namang sukatin ang iyong nararamdaman pero di ko inaasahang titigil ka pala kaya nahihiya na akong makipag usap saiyo. Unang araw palang nakita alam ko ng dilikado na ako pero ikaw ang delubyo na handa kong ulit-ulitin. Kung saka-sakaling mabasa mo man ito pasensya na at di ko alam paano kontrolin ang aking kahihiyan at kung paanong di ko alam paano ihayag ang aking nararamdaman sayo dahil takot ako na tanungin mo at wala akong maisagot sa iyong mga katanungan kaya pasensya ka na talaga kung ikaw ay aking nasaktan pero kung bibigyan muli ng pagkakataon na itama ang aking mga nagawa ay isa na iyong napakalaking oportunidad para sa akin. You'll be my favorite addiction. Salamat sa iyong oras at sa iyong atensyon na ibinibigay mo sa akin.

Freedom Wall Where stories live. Discover now