Chapter 3-Save

15 1 0
                                    

Chapter 3-Save

EVERYTHING fell apart and for Zia, this is the most stupid thing she has done on her entire life.

"Ma'am, pwede niyo po bang tawagan ang kahit sinong miyembro ng pamilya mo para masundo ka dito?"

With her crossed arms and legs, she arrogantly glared at the cop in front of her who keeps asking her to call one of her relatives. Ano bang tingin ng mga ito sa kanya? Isang bata na hindi marunong umuwing mag-isa?

Iyon lang naman ang hinihingi ng mga pulis upang makaalis na siya sa presintong iyon at makauwi na pero hindi niya iyon pinansin at sa halip ay nananatiling kalmado at prenteng nakaupo lang.

Pride. That is the only thing that distance her from her real family especially to her father.

After the incident that happen a while back at the famous bar, cops arrested her again for the nth time for causing a lot in there. Hindi na nga yata siya magbabago. She always ended up being arrested for causing so much trouble everywhere.

Nakarinig siya ng sunod-sunod na buntong-hininga galing sa mga taong nasa harap niya. Dalawang pulis, isang lawyer kasama ang lalaking may dimples sa magkabiling pisngi nito. Hindi niya matukoy kung ano bang mararamdaman niya. Wala ang lalaking may-ari ng bar. Iyon ang hinahanap ng mga mata niya ngunit wala ito sa presinto. Ang mga men in black naman na nagulpi niya ay nakaalis na maging ang amo ng mga ito ngunit siya ay nananatiling naroon, hindi alintana ang oras kahit malapit ng kumalat ang liwanag sa paligid.

Hindi naman siya nakasuhan o ano dahil sa lalaking may dimples. Tinaasan niya ito ng kilay no'ng makitang umiiling ito habang tumatawa.

Mukhang tanga. Naiinis na sigaw ng kanyang isip.

"Mga bossing, ako na ang bahala dito," sambit niya na agad namang sinunod ng mga pulis. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumingin naman ito sa lawyer nila. "Attorney, mauna ka na ring umuwi. Pasensya na sa abala. Wala namang dapat ipag-alala dito. Kilala ko ang babaeng ito, mabait siya kaya ako na ang bahala sa kanya," dagdag pa nito na mas lalong nakapagpa-taas ng kanyang kaliwang kilay.

Walang emosyon siyang tumingin sa lalaking may dimples no'ng silang dalawa na lang ang nananatili sa isang gilid. Nakaupo si Zia sa harap ng mesa sa kabilang bahagi nito habang ang lalaking may dimples naman ay naupo sa bakanteng upuan na nasa kanyang harapan.

"Miss Ginger, ilang beses ka na bang naaresto? HAHAHA. Pero ayos lang iyan. Maganda ka pa rin naman. Buti na lang wala dito si kuya. Wala din naman iyong pakialam sa nangyari," tumatawang sambit ng huli.

Agad naman niyang nakuha ang ibig sabihin ng sinabi nito. Kaya pala wala ang lalaking may malamig na boses doon dahil hindi mahalaga sa kanya ang nangyari at mas lalong wala itong pakialam sa kanya. Pero ang tanong na kanina pa bumabagabag sa kanya ay kung sino ang lalaking iyon at magkaano-ano sila ng lalaking kaharap niya ngayon?

Naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman. Ngayon lang siya naging interesadong makikilala ang isang lalaki na kahit kailan, hindi niya ginagawa noon dahil wala siyang pakialam.

Umismid siya sa lalaking kaharap at pabagsak na sumandal sa sandalan ng kanyang inuupuan.

"Pwede ba, umalis ka na!" asik niya dito at inirapan ang huli.

Nag-iwas siya ng tingin no'ng muli niyang marinig ang nakakarindi nitong tawa. Naiinis na siya ngunit wala yatang pakiramdam ang makulit na lalaking ito. Napatingin siya sa may entrance ng presinto at hindi niya alam kung bakit tila bigla siyang umasa na may papasok mula doon para kunin na siya at iuuwi na.

Troublesome Girls Series #4: Endless CircleWhere stories live. Discover now