Chapter 6-Encounter

5 0 0
                                    


Chapter 6-Encounter

HALOS hindi makahinga si Zia sa ginagawang pananakal sa kanya ng isang lalaking naka-itim habang ang iba ay nagtatawanan na para bang isang nakakatawang bagay ang pinapanood nila. Sa mga oras na iyon ay wala na siyang ibang maisip na gawin kung hindi ang gumanti ngunit hindi niya alam kung paano niya iyon gagawin.

Ni hindi niya kayang manlaban sa paraan ng pagkakahawak sa kanyang leeg. Hindi ito ang unang beses na nalagay siya sa ganoong sitwasyon. It also happened to her way back then. At her young age.

Reminiscing her downfall. The darkness, pain, blood, cries, bruises, and scars. She can still remember it all.

Napapikit na lang siya nang mariin kasabay ng pag-agos ng mga butil ng luha mula sa kanyang mga mata.

She hates it. She hates the fact that despite suppressing her tears not to come out all this years, it will still erupts. It will always be and always have been like that.

Wala na bang pwedeng kumuha sa'kin dito? Kahit ngayon lang, sana may dumating. Tahimik siyang nanalangin gamit ang kanyang isip.

"Jerome!"

A voice echoed that made everyone fall in silence then a man showed up from somewhere. Humahangos itong dinaluhan ang lalaking nakahawak sa leeg ni Zia dahilan upang mabitawan siya nito at pabagsak na lumagapak siya sa sahig.

Bahagya pa siyang naubo at naikuyom ang kamao. Matalim niyang tiningala nang tingin ang lalaking nanakal sa kanya na sa tingin niya ay ang may-ari ng pangalang narinig niya kanina.

"Ano!!"

"Palpak pre! Nandito 'yung Villegaz!" sambit ng lalaking kararating lang.

Kitang-kitang ni Zia kung paano nagbago ang emosyon ng lahat. Ang mga gulat na reaksyon ng mga ito ay nagpapahiwatig na hindi ordinaryong tao ang tinutukoy nila. Wala sa sarili siyang napangisi.

Ganyan nga. Dapat lang na matakot sila kahit hindi pa man niya nakikita kung sino ang taong pinag-uusapan nila.

"Ano?! Naknampucha naman oh! Badtrip! Asan 'yung iba?"

"Nasa rooftop na. Sibat na tayo bago pa tayo maabutan dito!"

"Mabuti pa nga! Tara na!"

Nakahinga nang maluwag si Zia noong humangos na paalis ang iba ngunit napansin naman siya ng lalaking kadarating lang. Napalunok siya no'ng hinagod nito ng tingin ang kanyang katawan tsaka siya nito tinuro.

"Eh itong tisay?" he motioned her and the other guy gaze at her direction.

Nagkatinginan naman ang dalawa at bigla siyang nahintakutan no'ng lumapit nang sabay ang mga ito sa kanya.

"Dalhin niyo 'yan!" utos ng isang lalaki sa kanyang mga kasamahan.

She was ready to fight them pero mabilis ang mga galaw nila at napagtanto na lang niya na hila-hila na siya ng mga ito papunta sa kung saan. Hindi siya magkamayaw at nagsimulang sumigaw kahit pa alam niya sa sarili niyang walang makakarinig sa kanya.

"Bitiwan niyo ako!"

She tried her best to escape, to fight them, to shout at the top of her lungs pero dahil sa higit na mas malalaki silang tao ay tila biglang nawala ang lakas niya sa hindi malamang dahilan as if she was fully drained.

"Ano ba! Sinabi ng bitiwan niyo ako!"

Isang beses pa siyang nagpumiglas hanggang sa tila naiinis na ang mga humihila sa kanya at bigla na lang siyang binigwas no'ng isa.

Troublesome Girls Series #4: Endless CircleWhere stories live. Discover now