His POV.
She came into my life unexpectedly. Nagkahiwalay man kami ng mga ilang unit noon, nasaktan man namin ang isa't isa, nagkapalitan man kami ng mga masasakit na salita subalit habang nakikita ko siyang naglalakad palapit sa akin, habang suot niya ang puting gown at nakangiti, buong galak ko siyang hinihintay habang hindi mapigil ang luha sa aking mga mata. Kinakabahan sa hindi malamang kadahilanan subalit isa lang ang naiisip ko, sa wakas, magiging asawa ko na ang babaeng nagbigay ng kahulugan upang magpatuloy ako sa masalimuot kong buhay. Hindi magiging madali ang lahat ngunit ipapangako ko sa harap ng Panginoon, magkasama naming haharapan ang buhay, magiging mapait man ito o matamis.
Her POV.
He's not the man of my dream but my heart speaks for his name. We've been through a lot of pain but we survived. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na siya pala ang nakalaan para sa akin. Nasaktan ko siya noon, iniwan at umiba ng landas subalit ang daanan pala sa aking tunay na kaligayan ay patungo sa kanya. Ngayon, habang naglalakad ako patungo sa kinaroroonan niya, hindi ko mapigilan ang umiyak sa galak. Nakatitig lamang ako sa kanyang mga mata at sabik na sabik upang maging kanyang asawa.
His POV.
Ngayon ay hawak-hawak ko na ang kanyang mga kamay habang pinakikinggan ang isang tanong na magpapabago sa aking buhay.
Her POV.
Ngayon ay hawak-hawak na niya ang aking mga kamay habang pinakikinggan ang isang tanong na matagal ko ng gustong sagutin.
'I Do', magkasunod nilang tugon ng nakangiti.