Dialling...
Yes Art? Napatawag ka?
Si Menandro, buhay!
Huh?! Eh di ba sinabi sa balita na patay na ito at i-crenimate pa, di ba?
Di ko nga alam eh. Nagulat ako ng tumawag ito at gamit ang phone ni Mateo.
Ano?!
Maghanda daw ako ng 50 million at si Drew.
What?! Bakit pati ang bata ay idadamay niya.
Di ko rin alam eh. Anak daw niya ito at tatawag daw muli bukas.
Teka, suot pa rin ba ninyo ang inyong singsing.
Oo, at di namin ito inaalis pareho.
Good! May plano ako.
Ano iyon?!
Pag tumawag iyon bukas ay humingi ka ng palugit ng dalawang araw. At palihim akong kikilos.
Hindi kaya delikado iyon at baka mapahamak si Mateo?
Ako ang bahala. Basta, patagalin mo lang na kahit dalatang araw o higit pa at sabihin mong iniipon mo pa ang pera.
Sige, pero paano ang bata?
Mas makakabuti na ipaalam mo ito at dahan-dahan mong ipaliwanag.
Di kaya ma-trauma ang bata?
Matalino ang inaanak ko at alam kong mas mauunawaan nito ang mga nangyayari.
Susubukan ko at sana ay di ito masaktan sa malalaman.
Sige, At kakausapin ko na ang bata agad.
END CALL
Nagpunta ako ng study room at ipinatawag ko si Drew.
Nang makarating ito sa couch ay niyakap ko muna ito.
"tito, bakit wala pa si papa?", wika niyag
Napaluha na lamang ako at niyakap.
Sabay halik sa kanyang noo.
"Drew, may ipagtatapat ako sa'yo. Pero, mangako na di mo kami kamumuîan ng papa mo ha?!", wika ko.
Tumango ito at saka humarap ng maayos.
Saka nito inayos ang upo.
Ipnaliwanag ko mula sa umpisa ang lahat.
Sinabi ko na si Mateo ay di niya talaga ito papa.
At nagulat ako sa kanyang sagot.
Alam daw niya noong una pa at tanggap daw niya ang katotohanan na di niya ito ama.
Natanong ko kong paano niya nalaman.
Lagi daw kasi siyang binubully na ampon lang daw ito.
Tinanong ko kong sino ang nagsabi.
Di na daw mahalaga.
Hanggang sa inamin ko na kinidnap ang papa Mateo niya.
Nanlaki ang mata nito at parang maluluha.
Tinanong nito kong sino ang kumidnap.
Ang taong nakausap niya kanina at siya rin ang tunay nitong ama.
Napaluha na lamang ito at natagalan bago nagsalita.
"Tito, ano ang dapat ko pong gawin para mailigtas si papa sa totoo kong tatay?", wika nito na halata ang kalumgkutan.
"Ahm, gusto kasi ng totoong tatay na kunin ka niya sa amin", wika ko.
"Naiintindihan ko. Basta wag niya lang pong saktan si papa", wika nito.
BINABASA MO ANG
Ang Dyanitor (Completed) BxB
RomanceDito ako nagtatrabaho sa isang sikat na magasin na kompanya na kung saan isa akong dyanitor. mababang uri ng hanap-buhay... laging hinahamak... pero marangal... hangganp nabago ang ikot ng kapalaran... Ating silipin ang mapait, mapanukso at masayang...