KINAUMAGAHAN...
Nakabihis na ako at handa sa pagpasok.
Narinig ko ang beep ng motor at alam ko na kung sino ang nag aantay sa labas.
Di nga ako nagkamali sa nakita ko.
"handa ka na ba pumasok pre?" wika nya.
Tumango na lamang ako at sumaklang sa likod nya sa motor.
Pinaandar na nya ito at handa na sa tatahaking direksyon patungo sa aming pagtatrabahuan.
Nakarating na ako sa harap ng building at muli akong humarap sa kanya.
"salamat pre, ingat ka sa daan" wika ko na lamang sa kanya.
Tumango na ito at di ko na nakita ang mukha nya dahil sa helmet na suot na ito.
Di ko na sya tinignan paalis dahil nagmamadali na ako pumasok at para di na mahuli sa duty.
Pagpasok ko sa ENTRANCE ay nakita ako ng guard at nagsalita ito.
"kaw yong bagong dyanitor ng Time Z di ba?" wika nya.
"opo" wika ko.
"pirma ka muna dito at dumaan ka sa Recruitment Office at humingi ka ng ID mo" wika nya.
Napangiti ako at tumango na lamang.
Dumiretso ako sa Elevator at may mga kasabayan ako na mukhang kasama kong employee ng Time Z.
Napangiti ako at ang gaganda ng kanilang suot.
Hanga ako sa kanilang pananamit at ang galing nilang magdala nito at kaaya-aya sa paningin.
Mapapansin sa kanilang Taga Time Z dahil sa ID lace nila.
Pagdating namin sa Time Z Floor ay dumiretso ako sa pinakadulo ng floor dahil yon ang bilin ng kaibigan ko para makapagpalit ng uniporme.
Pagdating ko ay nakita ko ang barkada kong nagpasok sa akin dito.
"aga mo pre ah!" wika nya.
"kailangan para maimpress ko ang management" wika ko.
"tama yan, saka punta ka pala sa Recruitment Office para kunin mo ang ID mo" wika nya.
"okey pre" wika ko.
"saka check mo ang bulletin board natin kung saan ang schedule mong office o room" wika pa nya.
Sumaludo ako sa kanya at sabay tinahak ang direksyon ng Recruitment Office.
Medyo natagalan ako sa paghahanap ng Rec Office dahil halos lahat ng pinto ay may mga pangalan.
Nakita ko rin ang Rec Office at pangalawa sa dulo.
Pagbukas ko ay bumungad ang unang babae at ngumiti ito sa akin.
Di ako masagot ng ngiti at nahihiya ako.
Di ko kasi inaakala na pagbukas ko ng pinto ay ang babaeng unang nakatikim sa akin dito sa kompanya.
BINABASA MO ANG
Ang Dyanitor (Completed) BxB
RomanceDito ako nagtatrabaho sa isang sikat na magasin na kompanya na kung saan isa akong dyanitor. mababang uri ng hanap-buhay... laging hinahamak... pero marangal... hangganp nabago ang ikot ng kapalaran... Ating silipin ang mapait, mapanukso at masayang...