Tinignan ko ang schedule ng trabaho ko at sa patio ako ng floor ang lilinasan ko.Habang naglalampaso ako ng sahig ay nakikita ko ang akyat-baba na mga empleyado ng kompanya.
Mahahalata mo talaga ang mga empleyado sa kanilang pananamit at mukhang kagalang-galang.
Habang naglalampaso ako ay muli ko na naman nakita si Sir Rick.
Napangiti ito sa akin at lumapit.
"nakapaglunch ka na bro?" wika nya.
"opo sir" wika ko.
"wag ka na mag sir kung tapos na ang work natin ha" wika pa nya.
"okey po sir" wika kong sagot bilangPaggalang.
"siya nga pala, siguraduhin nyong malinis ang lahat at pati ang conference room dahil darating ang mga boss natin at mga ibang kliyente ng ating kompanya" wika nito.
"ganun po ba? Wala pong problema at lilinisan namin ni Jaime ang conference room" wika kong sagot.
"wag gumamit ng detergent doon at spray lang dahil ayaw ng mga boss natin na matapang ang amoy" wika nito na tip.
"ganun po ba? buti pinaalala nyo po at tatandaan ko po yon" wika kong sagot.
"kailan pala day-off mo?" pagtatanong nya.
"di ko pa po alam" wika ko.
"text mo ako agad kung kailan ang off mo at para naman makapag unwind tayo" wika pa nya.
"okey po sir, wala pong problema" sagot ko sa kanya.
Umalis na ito at nagtungo na ng Recruitment Office.
Habang naglalampaso ng sahig ay napako ang mata ko sa malaking bulltetin board.
TIME Z MAGAZINES
At sa baba nito ay mga Litrato at mga pangalan nila.
Sa pinakataas ay nakita ko ang pangalan na Mateo Finns. President ang nakalagay na posisyon.
Ito marahil ang pinakaboss namin.
May lahi siguro dahil kakaiba ang apelyido.
At sa baba ng kanyang pangalan at posisyon ay pinapalooban ng maraming sangay ng departamento at mukhang mga boss rin namin ang mga ito.
Nang isa-isahin ko ang mga iba't ibang mga empleyado biglang nanlaki ang mata ko sa nakitang isang empleyado at pamilyar ito.
(tangnang lokong yon ah, dito rin pala ang trabaho tapos itinatago pa nya)
Si Adam na nakasama ko kagabi sa inuman ay dito pala nagtatrabaho, kaya pala ayaw ipakita ang ID nito sa akin kagabi.
Balita ko kasi may dalawang floor ang Time Z at di ko pa napupuntahan ang isa pang floor.
Sa paglilinis ko ay di ko nakita ang production floor na pinuntahan ni Jaime .
Maaaring sa isang floor ito.
BINABASA MO ANG
Ang Dyanitor (Completed) BxB
RomanceDito ako nagtatrabaho sa isang sikat na magasin na kompanya na kung saan isa akong dyanitor. mababang uri ng hanap-buhay... laging hinahamak... pero marangal... hangganp nabago ang ikot ng kapalaran... Ating silipin ang mapait, mapanukso at masayang...