1

16.4K 204 9
                                    

Calling...

"pre, si Jaime ito... may trabaho ka na ba?" wika ng barkada ko.

"wala pang tumatawag sa inaplayan ko pre, bakit?" wika ko.

"dito samin pre, baka gusto mo? Kulang kami kasi ng dyanitor at umalis na kasi yong dati kung kasamahan" wika nya.

Napangiti ako na para bang nagliwanag ang paligid dahil sa narinig.

"gusto ko pre, kaso baka di ako magustuhan, 2nd year hayskul lang natapos ko pre" wika ko.

"ako na bahala pre, kadikit ko naman yong ibang staff rito at panigurado magugustuhan ka" wika pa nya na napakapositibong sagot nito sa kabilang linya.

"sige pre, kailan ako pupunta dyan?" wika ko.

"hanggang alas-kwatro ako rito, at sabihin mo sa guard na kaibigan kita at nag-aaplay ka bilang dyanitor para tawagin ako sa loob at maiharap kita sa HR" wika nito.

"sige pre, ayusin ko biodata ko pre at punta na ako dyan" wika ko.

"okey, asahan kita pre" wika nito.

END OF CONVO

Nagtungo ako sa kwarto at humarap sa salamin.

Tinignan ang buhok ko at pansin kung maiksi pa at presentable namang tignan.

Dumako ako sa aparador at tumingin ng damit.

Nakita ko ang dark blue na short sleeve at pantalon na black.

Nilabas ko ito at tinignan ang document folder ko.

May biodata pa pala ako rito at NBI Clearance na personal copy at photocopy ng voter's id ko.

Kinuha ko ang twalya at nagtungo na ng banyo.

Pasado alas-nuebe na at baka sa daan na ako mananghalian.

Natapos na ako naligo at naghanda na para sa pagpunta sa bago kung pag-aaplyan.

Di naman kalayuan ang lugar na ppupuntahan ko kung kayat makakahabol pa naman ako sa oras.

Nilakad ko ang kanto namin at nag-antay ng masasakyan.

Nakarating ako sa lugar ng eksaktong 11:10am. at nagtungo sa guard.

" good morning manong, aplikante po ako at kaibigan ko po si Jaime na dyanitor.

"ah, si Jaime... Sige po sir at pasok po kayo at pakisabi sa helpdesk" wika nito.

Pumasok ako at lumapit sa helpdesk.

"goodmorning po mam, aplikante po ako for Janitor at kaibigan ko po si Jaime na dyanitor po dito" wika ko.

Tinignan ako ng babae at napangiti.

"ah, maupo muna kayo sa sofa at tatawag po ako sa quarters nila.

Naupo ako na napakalambot na sofa nila at hinintay ang kaibigan ko.

Ilang minuto ay dumating ito na nakauniporme na dark blue na overall.

"pre, pasensya na late ako ng labas, halika samahan kita sa HR" wika nito.

Sa palapag na ito ay daming kwarto ang aming nadaanan at kapansin-pansin ang mga dumaraan na mga tao rito na abala sa kanya-kanyang trabaho.

Nakarating kami sa isang silid na may nakalagay na HUMAN RESOURCE DEPARTMENT.

Kumatok ito at ilang segundo ay bumukas ito.

"good morning ma'm Odette" wika ni Jaime.

"oh, Jaime ano kailangan mo?" wika nito.

"dito po bagong aplikante na dyanitor at kaibigan ko po" wika nito.

Ang Dyanitor (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon