Sa walang humpay na kwentuhan namin ni Migs ay di ko na napapansin kung saan kami patungo.
Nakita ko na lamang ang way pabalik sa establisyentong kinatatayuan ng aming gusali.
"babe, balik na ba tayo ng opisina?" wika ko.
"may pupuntahan tayo at kailangan mo akong samahan" wika nya.
May nasabi itong emergency at di ko matukoy kong ano iyon at malamang ay doon kami patungo.
Nang makalagpas kami sa aming building ay lumiko kami sa kaliwa at patungo kami sa isang kanto na mukhang mga apartment ito.
Sa di kalayuan ng aming binabasbas na daan ay mukhang dulo na ito ng daan at huminto kami sa isang gate.
Binuksan ni Migs ang isang lagayan na nasa gitna ng front mirror at sa ilalim ng stereo.'
Inabot nya ang sobre sa akin."ano ito babe?" wika kong may pagktataka.
Binuksan nya ang gate at mukhang madilim sa loob ng bahay.
Kung titignan ito ay simpleng 2 storey concrete house at walang nakasinding ilaw.
"babe, kuksan mo yong sobre" wika nya.
binuksan ko ito at naglalaman ng isang susi.
"ano gagawin ko rito babe?" wika ko.
"buksan mo ang pinto gamit ng susing yan" wika nya.
napakamot ako ng ulo at sa akin pa talaga nya ipapabukas ang pinto.
Nang mabuksan ko ang pinto ay napakadilim.
Kinapa ko ang gilid at hinanap ang switch.
(tik)
bumukas ang ilaw at nag liwanag sa loob.
May mga kagamitan at simpleng sala lamang ito.
"babe, buksan mo ang kwarto sa ikalawang palapag at bandang kaliwa" wika nya.
Sinunnod ko naman ang inutos nya.
Nang marating ang kaliwang pinto ay binuksan ko ito.
Kinapa ang switch sa gilid upang magliwanag ang kwarto.
(tik)
Isang napakagandang kwarto at may sobre sa gitna ng kama.
"babe, may sulat sa kama" wika ko.
"baka sulat ng may-ari" wika nya.
Napatingin ako sa kanya at di ako nakagalaw.
(phone ringing)
dyan ka muna at sagutin ko lang ito.
Nang makalabas sya ay may motor akong narinig na pumasok sa bakuran.
Di ko na pinansin at alam kong andoon si Migs.
Di ko binuksan ang sulat at baka para kay Migs ito.
BINABASA MO ANG
Ang Dyanitor (Completed) BxB
Storie d'amoreDito ako nagtatrabaho sa isang sikat na magasin na kompanya na kung saan isa akong dyanitor. mababang uri ng hanap-buhay... laging hinahamak... pero marangal... hangganp nabago ang ikot ng kapalaran... Ating silipin ang mapait, mapanukso at masayang...