Chapter 10 - Unexpected

69 3 0
                                    

Alex' POV

"Be ready for the prom", sabi ni Ma'am. "Okay class, you can take your brake".

Nagsitayuan na yung mga kaklase ko.

Biglang tumakbo palabas sila Claire at Luke.

Hala? Iniwan ako?

"Luke! Claire! Wait!" sigaw ko.

Dali-dali akong lumabas pero nakaalis na silang dalawa.

Anong meron? Bakit nila ako iniwan? Baka pinagtitripan ako nun.

Tsss! Subukan lang nila.

At yun, ako lang naglunch mag-isa sa canteen.

Nasaan na kaya yung dalawang yun?

Buti na lang pagkatapos ng break, vacant namin.

Bahala nga sila dyan! Mga mang-iiwan. Naturingan kong mga kaibigan eh iniwan na lang ako.

Pumunta ako ng library.

Nung papasok na ako, biglang may humarang sa pintuan.

"Uh... Excuse me?" sabi ko

Si Eliza pala ito.

"Sinong partner mo sa prom?" tanong niya.

"...wala pa, bakit? Eh ikaw?"

Tumawa siya. Parang bruha, eh sa bagay bruha naman siya.

"Sisiguraduhin kong si Lucas ang magiging partner ko", sabi niya.

Hala? Sapakin kaya kita dyan!

"Talaga? Sa tingin ko hindi yun papayag". Sabi ko, papasok na sana ako pero humarang uli siya.

"Eh kanina siya papayag? Sa iyo?" tanong niya. "May the best girl win".

Lumakad na siya paalis.

Hay naku! Kainis talaga yung bruha na iyon.

Sisiguraduhin niya daw na magiging partner niya si Luke, tss! Baka matadyakan ko pa siya dyan.

Pumasok na ako ng library.

Kumuha akong dalawang libro na tungkol sa English at Science.

Sipag noh? Haha! Ngayon lang.

Tapos nagbasa na ako...

Makalipas ang 30 minutes...

Nasaan na kaya yung dalawang yun?

Tumunog yung cellphone ko.

Nagtinginan yung mga students sa library. Ang lakas kasi ng ringtone ko eh.

Si Claire! Nagtext siya.

'Pumunta ka dito sa quadrangle'. Sabi sa text

Sa wakas!

Dali-dali akong lumabas ng library.

Tumakbo ako papunta sa quadrangle..

Pagkarating ko..

Wait...anong ibig sabihin nito?

May mga illustration board na hawak yung mga kaklase ko.

What's this???

"May gustong sabihin sa iyo si Luke", sabi ni Claire.

"H-ha?" nacucurious ako ahh.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Claire told me that you don't have a date for the prom", sinimulan niya.

Tapos biglang binaliktad ng mga classmate ko yung mga illuatration board.

'Will You be my Prom Date?'

Sabi sa illustration board.

Totoo ba ito o nananaginip lang ako? Hihimatayin na ako dito ahh.

"So, what do you think? Will you be my prom date?" tanong ni Luke

Nagbablush ako ahh!

"Y-yes Luke, ah I mean Lucas", sabi ko.

Sino pa bang makakatanggi dito?

Ngumiti siya at niyakap niya ako.

OMG! Hindi ako makahinga g maayos! Help me! Help me!

Baka himatayin na ako dito.

Nakita ko si Eliza, nakasimangot. Haha! Buti nga, belat!!!

Ang swerte ko naman. LUKE HEMMINGS, as in LUKE HEMMINGS NG 5 SECONDS OF SUMMER ANG DATE KO SA PROM.

For the First Time in Forever.

- End of Chapter 10 -

Kapag tinanong kayo nila Luke, Calum, Michael at Ashton ng ganun, ano isasagot niyo? Hahaha! Siyempre oo na yan!

Sana nga totoo yun.. Hayyy!

Twitter: @JMBoglosa

Instagram: juliaboglosa

Beside You: The Fangirl's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon