Chapter 12 - The Sad Truth

58 0 0
                                    

Alex' POV

Kami lang ni Claire ang pumasok kasi sabi ni Luke bukas na lang daw siya papasok.

Nandito kami ni Claire sa canteen, break na namin kasi ehh.

Ginagawa ko na rin yung assignment ko at nagrereview na rin dahil may short quiz kami mamaya.

... Nagring yung cellphone ni Claire at sinagot niya ito...

"Alex, pinapatawag ako ni Mrs. Diaz. May meeting daw sa faculty", sabi niya.

"Sige kita na lang tayo mamaya sa room", sabi ko

"Okay, bye". Umalis na siya.

Ako na lang mag-isa. Sige, moment ko ito.

Nilagay ko na sa bag yung mga gamit ko.

Kanina ko pa kasi iniisip itong bagay na ito eh. Yung tungkol kay Luke... Kasi parang na-eenjoy na niya yung buhay na ganito, yung simple lang... At parang nakakalimutan na rin niya yung 5SOS...

Hindi yun pwede, paano yung mga fans? Sila Calum, Michael at Ashton?

Hindi pa nga natatapos yung concert nila dito dahil wala pa si Luke, hindi pa siya bumabalik.

Napagdesisyunan na kaya niya yung tungkol dito o kailangan sabihin ko pa sa kanya?

Hay, kapag babalik na siya, paano na ako? Wala na akong makaka-usap, wala nang sasama sa akin kapag may pupuntahan ako at wala na ring mangungulit at tanong ng tanong sa akin.

In short, I'm ALONE, again.

"Sana simpleng tao na lang si Luke kagaya ko. Para...para makasama ko pa siya ng matagal", sabi ko sa sarili ko.

Kapag umalis siya, malungkot na naman ako, pero nandyan naman si Claire kahit paano.

Pero iba pa din yung nandyan si Luke...

Hay ano ba! Tumigil ka nga diyan sa kadramahan mo Alexandra! Hindi mo pa kailangang seryosohin yan at hindi mo siya boyfriend.

... Alam ko yun, hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko lang siya.

Pero crush mo siya di ba?

Ba yan! Parang may bumubulong sa akin ahh! May bubuyog ba sa tenga ko?

... Wait, umiiyak ba ako? May tumutulo kasi sa mata ko ehh.

Hala? Anong nangyayari sa akin?

Pinunsan ko yung luha ko.

Si Luke kasi ehh! Bakit kasi kailangan pa niyang umalis?

Pero hindi talaga pwede ehh, saka hinahanap na siya.

Pinunasan ko uli yung luha ko.

Kailangan bumalik na siya para matuloy na yung concert nila. Atsaka matagal din yun hinintay ng mga fans. Sayang din yung ticket nila kung hindi matutuloy.

Kaya dapat bumalik na si Luke, kailangan siya sa band para makaperform na sila.

... Alam ko na kapag pumayag at nakapagdesisyon na si Luke, aalis na siya sa bahay at hindi ko na siya makikita kailanman.

Siguro sa youtube na lang at sa mga posters.

Masakit man at mahirap tanggapin pero yun ang totoo.

Wala akong magagaw dahil isa lanv akong normal na tao na may normal na pamumuhay.

Sikat siya ako hindi.

Masakit talagang malaman kung ano yung totoo.

- End of Chapter 12 -

ROWYSO TOUR! Woop! Woop! GO 5SOS! I LOVE YOU! Sa Portugal yung first show :))

Sayang hindi kasama yung Philippines :(( Pero sana sa susunod kasama na tayo sa tour nila :))) Mga next year o next, next, next, next year. Haha! Joke! XD

Hope you enjoy this chapter! Medyo malapit na matapos guys.

Twitter: @JMBoglosa

Instagram: juliaboglosa

~ Stay Cool! ~

Beside You: The Fangirl's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon