Chapter 15 - The Prom Night

54 1 0
                                    

Alex' POV

Ito na, prom na namin.

Masasabi kong ito na ang pinakamalungkot na araw ng buhay ko.

Aalis na si Luke pagkatapos nito. Kaya yun, malungkot.

Sino bang magsasaya sa ganitong sitwasyon? Kung saan aalis na yung taong pinakamamahal mo?

Hindi ko nga man lang nalaman kung mahal na rin niya ako eh. Basta ang alam ko, mamimiss niya ako dahil may pinagsamahan din kami.

Mananatiling isang magandang pangyayari yung naging close kami ni Luke. Kaya wala na akong hihilingin pa, nakasama ko na siya eh.

Kaya nga lang, aalis na siya. Nagising na ako sa panaginip ko.

Nandito na kami ngayon sa venue ng prom namin.

Lahat ng studyante dito nagsasaya dahil sa kanila, masaya at special itong araw na ito. Except sa aming dalawa.

Nalungkot nga rin si Claire nung sinabi ko sa kanya na aalis na si Luke.

Alam ko na hindi lahat ng pagkakataon masaya ka at palaging may happy ending. Minsan kailangan din na may malungkot na pangyayari, kagaya ng ganito.

Pero hindi ako agad susuko. Mananatili pa rin si Luke sa puso ko kahit malayo siya sa akin. Mahal ko siya eh.

Ganyan talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao. Para bang nagiging isa kayo dahil nga makapangyarihan ito.

Yan ang totoong pag-ibig, hindi yung basta-basta lang. It takes time para dumating yan at magkatuluyan kayo ng isang tao. Yung hindi mo inaakala, magugulat ka na lang.

Puro hugot ako ahh. Well, ganyan talaga.

"Can I have this dance?" biglang nagsalita si Luke at inoffer yung kamay niya.

Tinanggap ko naman at pumunta na kami sa dance floor.

Habang nagsasayaw, nakatingin sa akin si Luke at ganoon din ako.

"I already called them. They will come here any minute now", sabi niya.

Tumingin ako sa mga mata niya. Parang iiyak na siya.

Ang hirap talaga ng ganito...

"... I will miss you, Luke". Yan lang yung sinabi ko. Alam ko sinabi ko na yan nung hindi pa siya umaalis, pero yan pa rin ang lumalabas sa bibig ko ehh.

"Me too, Alex. Me too..", sabi niya.

Nauuna akong umiyak sa kanya.

Pinunasan niya yung luhang tumulo sa pisngi ko at hinalikan niya yung noo ko.

"Stop crying, please. It makes me want to stay", sabi ni Luke. Tumulo na rin yung luha niya.

"I'm sorry, I just can't".

May nilabas siyang envelope sa bulsa ng coat niya.

"Remember this?" tanong niya. "You told me that we have to keep this one and give this to each other in the right time".

Oo nga pala. Dala ko din yung sa akin.

"So, I guess this is the right time. I want you to have this". Inabot niya sa akin yung envelope.

"Me too". Nilabas ko yung sa akin at binigay ko sa kanya.

Pagkabigay ko, biglang may mga taong dumating. Puro sila may mga camera.

"They're here", sabi ni Luke.

Nakita ko sila Michael, Calum at Ashton.

Oo nga, nandito na sila...

"Luke!" sigaw ni Calum.

Nilapitan nila si Luke at nag-usap sila. Nandito lang ako, nakatayo sa harapan nila.

... Nilapitan ako ni Luke.

"Read what's inside that envelope. It says what I really feel for you", sabi ni Luke at hinalikan niya ako sa noo.

"Goodbye, Alex". Sabi niya

"Goodbye..." Ako

Ngumiti sita sa akin at ganoon din ako.

Paalis na sana sila pero lumapit sa akin si Michael.

Siya lang.

"Thank you for what have you done to Luke", sabi niya. "I want you to have this". Inabot niya sa akin ang...

... Dalawang backstage passes.

"Go to our concert if you want to see him, for the last time". Sabi ni Michael.

"... Thank you very much". Sabi ko.

Ngumiti siya at umalis na.

Nandyan kasi yung mga papparazzi ehh.

Pagkaalis nila, binuksan ko yung envelope.

Binuklat ko yung papel at ang nakasulat doon ay...

- End of Chapter 15 -

Haha! Hindi ko tinuloy, hehe. Sa next Chapter na lang. Pero alam niyo na siguro yung nakasulat dun sa papel, haha!

Sorry nga pala kung hindi ako nakaupdate kaagad kasi busy ehh. Haha! Busy talaga ako.

Thanks for reading this chapter! :))

Twitter: @JMBoglosa

Instagram: juliaboglosa

Beside You: The Fangirl's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon