CAN HE SEE ME? Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanya. Hindi niya pa rin inaalis tingin niya sa akin. Nakikita niya ba talaga ako? Huhu di ko alam ano na itsura ko simula ng namatay ako, MAGANDA PA BA AKO? HUHU EWAN.
Ng nasa harap na niya ako, napansin ko di pala ako ang tinitingnan niya. Sayang. Nakatutok siya sa sticker ng kandidato sa pinto ng C.R. Mukhang may galit ata siya.
Umalis na sa kanyang kinatatayuan si kuya at ayun ako naiwang mag-isa sa hallway. Haaay. Kung buhay pa sana ako malamang may klase ako dito sa building na 'to. Ba't nga ba ako nandito? Ba't di ako maka 'go into the light'? What's stopping me from moving on? Kailangan ba makita kong umuunlad ang aking bansa? Mapalitan ng bagong sistema sa gobyerno? Or si Mr. Right kaya? ANO PA ANG KAILANGAN KONG GAWIN DITO SA MUNDO PARA MAKA"REST IN PEACE" NA AKO?
BINABASA MO ANG
Musings of a Dead Girl
Teen Fiction"Ba't ba patuloy pa rin tayong nagmamahal kahit paulit-ulit na tayong nasaktan?" Sinubukan kong sagutin ang tanong na'to pero wala eh. Waley. Wez. Wala akong pang "Miss Universe" na sagot. ~~~~~~~~~~~~~ When I died, I thought tapos na.Pero di pa pal...