That one friend...

86 2 0
                                    

Kakatukin ko sana cubicle niya kaso baka matakot. Pinakinggan ko nalang siya at ang kausap niya sa phone.


"Mia, ayoko na talaga ang sakit sakit na. Di niya naman napapansin feelings ko ba't pa ako aasa. Kaibigan lang turing niya sa akin kaya ayoko na. Bahala na siya at ang tae niyang girlfriend na barbie doll."

Brbbbggrhhhhrhhh, may sumagot sa phone pero di ko marinig kaya finocus ko powers ko para marinig din ang nagsasalita sa phone. Hmm, perks of being a ghost.


"Jessa naman. Pa'no kung sinasadya niya lang lahat ng 'to. Kasi gusto niya magpapansin sa'yo. Pa'no kung ito lang ang naiisip niyang paraan para andyan kalang parati sa tabi niya? Pa'no kung ayaw niya masira friendship nyo kaya binaling nalang niya sa iba feelings niya?"


Napaisip ako, kaya ang daming nagpapakatanga at umaasa kasi isa sa mga kaibigan nila hopeless romantic at nakikiasa din sa lovelife ng kaibigan. Puro nalang magagandang assumptions ang sinasabi, pero yun na nga, puro "baka" at "parang" nga lang.


Patuloy naman sa pag-uusap si Mia at Jessa.


J: Friend *sniff* pa'no kung hanggang friends nalang talaga kami?

M: Kung ganon, may ibang lalake pa na para sa'yo. It's not the end of the world, bata ka pa. At yang bestfriend mo ay wala sa kalinkingan ng mr. Right mo. May ibang tao na nakatakda sa'yo and this guy would be perfect. Mamahalin ka niya ng walang pagaalinlangan at walang pagdududa.


Di ko kinaya, ang positive ni Mia. Nadadala ka lang sa mga napapanood mo sa tv, girl. DI lahat may happy ending no. Get real. Isipin mo nga yung mga gutom at walang trabaho, di sagot sa kalungkutan si Mr or Ms Right.


Hinayaan ko na sina Mia at Jessa sa problema nila at lumabas na ako ng C.R.


Paglabas ko ng C.R. napatigil ako. I SAW SOMEONE LOOKING AT ME. TALAGANG NAKATUTOK AT DI NIYA INAALIS TINGIN NIYA SA AKIN. CAN. HE. SEE. ME?

Musings of a Dead GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon