Paglabas ko ng building nakita ko ulit si kuyang naka black vest at may kausap na babae. Ba't parati nalang siyang nakasimangot at parang pasan niya ang mundo? Hahayaan ko na sana silang dalawa sa pag-uusap nila pero napatigil ako sa aking narinig.
Jack, itigil mo na nga yang bisyo mo, sabi ng babae.
"Tigilan mo ako Thea ha, sino ka ba para patigilin ako? Nanay ba kita? Girlfriend?", sagot naman ni kuyang nakavest. Jack pala pangalan niya.
Thea: "Kaibigan kita. And I refuse to watch you kill yourself" hmm narinig ko na 'to sa movie ah. Starting over again te?
Jack: Kaibigan? Pwes kaibigan ba kita nung sinagot mo yung namumulitikong gagong yon? Inisip mo ba pagkakaibigan natin nung umoo ka sa kanya? Alam mo naman kung ano tingin ko kay Bernie diba——
Thea: Jack, ilang beses ko ba uulitin, nagbago na siya. Hiwalay din ang relasyon namin ni Bernie sa pagkakaibigan natin. Kahit sino pa maging boyfriend ko, kababata pa rin kita, kaibigan pa rin kita. Importante ka pa rin. Kaya please, please, tumino ka naman.
Jack: Lolokohin ka lang ng gagong 'yon. Hindi 'to hiwalay na issue, naapektuhan pagkakaibigan natin dahil sa pambobola niya sa iyo. Kaya mamili ka, ako o siya?
Thea: How dare you! Ang kapal ng mukha mong papiliin ako.
Dude, wrong move. Hindi ka niya pipiliin, si Bernie ang pipiliin niya. Tanga mo din, ba't mo pinapili? Mas lalong lalabo relasyon niyo. Mapride kaya ang tao, papanindigan niya ang una niyang salita kahit sa loob-loob niya ay mali ito o hindi naman ito ang kanyang talagang gusto.
Thea: Magkaiba kayo ni Bernie, Jack! Boyfriend ko siya, kaibigan lang kita. Wala kang karapatang papiliin ako!
Sasampalin na sana ni Thea si Jack ngunit nasalo niya ang Kamay ni Thea.
Jack: Wow so may hierarchy na pala ngayon? And apparently, mas mahalaga siya para sa'yo. Kung siya ba nagpapili sa'yo pipili ka ba? Siya pipilin mo diba? DIBA?!!!!Thea: TUMIGIL KA NA! TAMA NA! Lalayo na ako, tutal gusto mo naman diba. Di na kita tutulungan, di na kita pagtatakpan sa tuwing hahanapin ka sa akin ng magulang mo, di na ako magaalala para sa'yo at higit sa lahat, di na kita iisipin at di na kita ituturing na kaibigan.
Umiiyak na si Thea habang nagsasalita.
Thea: Hi, I'm Thea. Gusto ko pa sana makipagkwentuhan eh kaso nagmamadali ako. Excuse me, pwede makiraan, may kailangan pa akong asikasuhin eh. Bye!
GO GIRL! Lakasan mo loob mo, wag ka iiyak sa harap niya. Pigilan mo muna luha mo, wag ka iiyak kahit gano pa kasakit. HUWAG MO SAYANGIN ANG MAGANDA MONG EXIT.
Sinundan ko kung saan papunta si Thea at iniwan na si Jack. Paglingon ko sa kanya, nakita ko siyang napaupo sa sahig at nakasandal sa pader. Ang sakit noh? Ba't kasi di kayang tangapin ng tao na may mga pagbabagong nangyayari sa mundo at minsan di ito naayon sa kanyang kagustuhan.
Pagkapasok ko si canteen, hinanap ko agad si Thea. Nang nakita ko na siya, napansin kong may kasama siya. Bakit parang kilala ko ang kausap niya? Sino siya?
BINABASA MO ANG
Musings of a Dead Girl
Teen Fiction"Ba't ba patuloy pa rin tayong nagmamahal kahit paulit-ulit na tayong nasaktan?" Sinubukan kong sagutin ang tanong na'to pero wala eh. Waley. Wez. Wala akong pang "Miss Universe" na sagot. ~~~~~~~~~~~~~ When I died, I thought tapos na.Pero di pa pal...