Ang saya talaga dito sa eskwelahan. May iba't-ibang klase ng tao: may emo, may jeje, may pasosy, may jologs, may rocker, GC, orgwhore. Haaaaay, seeing all these people makes me want to be alive again. Ba't ba kasi ako nasagasaan nung mamang nakabike -_- . Pero, okay, kasalanan ko din yun "biker's lane" nga eh tapos may sidewalk sa tabi, sa biker's lane pa talaga ako naglakad. Eh kasi naman po, ginagawa naman ng iba, ba't pag ako kapag nakikiuso ako may nangyayari. Kagaya nalang nung highschool, kung kailan ako di nagdala ng I.D. tsaka nagsungit yung teacher namin at nagpa "No I.D. No Entry" siya. Nakakainis.
Napatigil ako sa pag-iisip ng may narinig akong umiiyak sa may C.R. ng babae. Eeehh nakakatakot, sabi kasi horror daw ang floor na yon. AYOKONG MAKAKITA NG MULTO.
~wait, multo na din pala ako. AYOKONG MAKAKITA NG IBANG MULTO.
At dahil mahilig ako sa horror movies, ginaya ko yung mga ginagawa ng mga tangang bida sa palabas. Pinuntahan ko ang source ng ingay.
BINABASA MO ANG
Musings of a Dead Girl
Novela Juvenil"Ba't ba patuloy pa rin tayong nagmamahal kahit paulit-ulit na tayong nasaktan?" Sinubukan kong sagutin ang tanong na'to pero wala eh. Waley. Wez. Wala akong pang "Miss Universe" na sagot. ~~~~~~~~~~~~~ When I died, I thought tapos na.Pero di pa pal...