Linapitan ko sina Thea sa kanilang table. Nagtataka pa rin ako kung saan ko nakita tong kausap ni Thea.
"Bernie", simula ni Thea. AAAAAHHH!!! Bernie pala. Kaya pala familiar, siya pala yung mukha sa mga posters na nakadikit kung saan. Name recall? Face recall ka'mo. Ano ba 'tong mga pulitikong ito, di magaling sa strategy. Piniprint ng pagkalaki-laki ang mukha, eh ang pangalan naman ang linalagay ng mga botante sa ballot. AH EWAN!
"Iwasan mo na nga lang yung gagong yon. You don't deserve him. Andito naman ako", sagot ni Bernie. Buysit GAGI din pala talaga 'tong taong 'to. KUNG MAKA—-
"okay", sabi ni Thea. NANGLAKI MGA MATA KO SA NARINIG KO.
Love is blind te? You're taking this 'love is blind' thing up a whole different notch. Love is blind, deaf, i don't even know how to call it with the other senses——- love is being tanga—— yon! may term na ako.
Sa moment na ito, may pumasok na mga babae sa canteen. Nakita kong nagkatinginan si Bernie at yung babae sa gitna. WOW. JUST WOW. AKALO MO SINONG GWAPO MANGAGALIWA ATA TONG MOKONG NATO AH.
"Ah babe, teka kailangan ko lang tawagan brad ko ha. Labas muna ako saglit", palusot ni Bernie.
"Babe, pwede mo naman siyang kausapin dito ah", sagot ni Thea.
"Babe sige na, saglit lang to".
"Okay", nakakapangluyang sagot ni Thea. Love ba talaga itu??? User-friendly yang boyfriend mo, or in your case, User-boyfriendly. PWEH, pangalan pa nga lang ang pangit na pakinggan.
Sa init ng ulo ko, di ako nakapagpigil at linapitan ko si Thea. Sinigawan ko siya. "Lumabas ka ng makita mo kung anong klase ng "tawag" ang ginagawa ng Bernie na 'yon! Anu ba girl! Women empowerment pows wag ka magpapaloko sa kanya."
Biglang napaupo ng tuwid si Thea at nanlaki ang mata. Hala! Narinig niya kaya ako? Napalakas ata sigaw ko? Orrrrrr?
Umupo ako sa harap ni Thea at itinuloy ang gusto kong sabihin.
"Tingnan mo na kung sinong brad ang tinatawagan niya. Di ka ba nagtataka kung bakit iniwanan ka niya habang napakadepress mo ngayon? Na inuna niya yung brad niya kesa samahan ka?", mahina kong sabi kay Thea.
Kung pwede lang ay mas lumaki ang mata ni Thea pagkaupo ko at pagkasabi ko nito. Totoo ba friend? Nakikita mo ako?
Tumayo si Thea at dali-daling lumabas sa Canteen. Patay natakot ko ata, moushiwake gozaimasen.
Gusto kong kausapin si Thea kaya sinundan ko siya sa labas. Pagkalabas ko, iba pala madadatnan ko.
BINABASA MO ANG
Musings of a Dead Girl
Ficção Adolescente"Ba't ba patuloy pa rin tayong nagmamahal kahit paulit-ulit na tayong nasaktan?" Sinubukan kong sagutin ang tanong na'to pero wala eh. Waley. Wez. Wala akong pang "Miss Universe" na sagot. ~~~~~~~~~~~~~ When I died, I thought tapos na.Pero di pa pal...