Introduction

6.3K 92 0
                                    

Dalawang taong sugatan, mga taong iniwan ng kanilang mga mahal sa buhay. Yung isa, nawalan ng magulang- naaksidente ang eroplanong sinasakyan neto pauwi ng bansa galing sa kanilang one month vacation. Habang yung isa naman, iniwan ng kanyang long-time girlfriend- 5 years naging sila. Pero parang sa isang iglap, yung babaeng mahal niya may mahal na palang iba. Sa madaling salita, nagsawa na yung babae sa kanya.

"Sa dami ba naman ng masasamang taong pwedeng mamatay, bakit yung mga magulang ko pa na walang ginawa kundi magtrabaho? Yung mga magulang ko na walang ginawa kundi ang bigyan ako ng magandang kinabukasan?" Yan ang mga tanong sa utak ni Kathryn. Wala na siyang kasama sa buhay kundi ang kanyang nag-iisang bestfriend since birth, si Julia. Wala naman kasi siyang ibang kamag-anak kasi wala namang kapatid ang mga magulang niya at siya rin naman, walang kapatid. Haaay, buhay nga naman.

"Lahat naman ibinigay ko sa kanya ah? Ano pa ba ang kulang ko? Effort? Parang hindi naman, kasi lahat naman ng ginagawa ko para sa kanya, pinaghihirapan ko." Mga tanong sa isip ni Daniel. Kasi naman, gumising nalang siya ng isang araw na single na siya, at wala na ang kanyang nag-iisang prinsesa dahil may ibang prinsipe na pala ito. Di mo rin naman kasi masisisi si Daniel kung bakit nakipaghiwalay yung babae sa kanya dahil inalagaan, inirespeto, prinotektahan, at minahal niya ang kanyang prinsesa ng sobra-sobra. At sa loob ng limang taon, sa kanya lang umiikot ang mundo ni Daniel.

Dahil sa sakit na nararamdaman nilang dalawa, ang lahat ay ginawa nila para lang maibsan ang kanilang sakit na nararamdaman. Si Kathryn, nag-laslas na siya pero ang nasabi niya nalang sa sarili niya, "Wala namang nagbago eh, masakit parin yung puso ko. Mas masakit pa sa iwanan ng boyfriend. Ha-ha! Useless." Habang si Daniel, gabi-gabi na siyang umiinom sa bar. Lalasingin niya ang kanyang sarili hanggang sa iuuwi nalang siya ng kanyang mga kaibigan sa bahay neto. Kaya rin tumaas ang alcohol tolerance ni Daniel dahil sa ilang buwan na din siyang gabi-gabi umiinom.

Pero isang gabi, sa soooobrang pangungulila ni Kathryn sa kanyang mga magulang, naisipan na niyang pumunta sa bar at lasingin ang sarili hanggang mawala ng sakit. Akala niya sa ganong paraan magiging ayos siya. Pero hindi, may isang hindi inaasahang nangyari. Sa sobrang kalasingan, may nangyari sa kanila nang isang "random" guy. Nagising nalang siya na may lalaking nasa tabi niya, they are both naked.

"Hmmm, gising gising." Panggigising ni Kathryn sa lalaking katabi niya, wala kasi siyang idea kung sino ito at kung ano ba talaga ng nangyari.

"Uhmm, ano ba." Sabi nang lalaki habang dahan-dahang binubuksan ang mga mata sabay kinusot ito.

"Ah, may dalawang tanong lang ako sayo at aalis na din ako." Sabi agad ni Kathryn, "Una, anong pangalan mo? At pangalawa, ginawa ba talaga natin yun?" Pagpapatuloy niya.

"I'm Daniel. And yes, we did it."

***

Single MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon