Chapter 1: Positive or Negative?

3.9K 77 0
                                    

Julia's POV

"Oh, ito tubig. Mag-gargle ka muna." Sabi ko kay Kath pagkatapos niyang sumuka. Mag-iisang buwan na din siyang ganyan, paminsan-minsan naman nahihilo siya. "Thanks."

"Jusko, ano bang nangyayari sayo Kath. Halos one month ka nang ganyan simula nung umuwi ka nung nagpakalasing ka." Wala kasi siyang nakukwento eh. Pero may feeling akong di maganda eh. Kasi naman sumusuka plus nahihilo. "Julia, kasi ano. Ahh ano. Nung ano, tapos na. Oo ano, ganun nga. Tapos an--" Pinutol ko yung sinabi niya. "Kath, ikwento mo. Hindi puro 'ano'."

"Sa sobrang kalasingan ko nun, nagising nalang ako sa tabi ng isang lalaking nagngangalang Daniel."

"May nangyari?"

"Uhh-hmm."

"Shit."

"Julia, don't cuss." Suway niya. I knew it!

"Kath, may pupuntahan lang ako. Wag kang aalis dito, okay? Wag kang maglililikot baka makunan ka. Mawawala ako ng inaanak." Sabi ko ng mabilis habang tumatakbo papunta sa elevator, pupunta ako sa pharmacy. Andito kami sa condo namin, oo nasa iisang condo lang kami kasi wala narin naman sila Tita at Tito.

Kathryn's POV

Ang weird ni Julia. Baka daw mawalan siya ng inaanak? Makunan ako? Bakit buntis ba ako? Hindi naman diba? Isang beses lang ginawa, nagbunga na agad?! Waaaaah, napaparanoid na ako!!! Ang tagal niJulia. Matext nga.

To: Julia ❤️
Juliaaaa, wru?! 😩
*Ting!*
From: Julia ❤️
Anong nangyari? Pabalik na ko.
To: Julia ❤️
Ang boriiiing. 😭 dalian mo.

"Andito na ko!" Nandyan na pala eh. "Ano yan?" Kasi diba galing siya sa pharmacy. "Pregnancy Test." Ohhhh-kay? Para ano? Manigurado?

"Kath, oh. Sa CR. Go." Aba, demanding 'to. Hahahaha! Pero sinunod ko nalang siya.

***
"J-j-julia." Tawag ko kay Julia habang umiiyak. Alam ko na yung result.
"Omg, ano Kath?!"

"Positive."

Lumapit agad si Julia at niyakap ako. "Shhh, okay lang yan." Patuloy lang ako sa pag-iyak. "Gusto mo bang hanapin natin si Daniel?" Umiling lang ako agad. Ayoko ipaalam. "Eh bakit ka ba umiiyak?" Bakit nga ba? "Tears of joy, Julia. Tears of joy." Sabi ko habang naka ngiti.

"Masaya ako Julia. Masayang masaya. Blessing 'to from God kaya di dapat 'to sinasayang. Tsaka okay lang kahit di alam ni Daniel, di ko naman siya kailangan eh. Kaya kong buhayin at palakihin an anak ko ng mag-isa. Magpapaka-selfish muna ako. Di ko ipapaalam kay Daniel."

***

Single MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon