Third Person's P.O.V.
"Mo-mommy? M-mommy!" Agad namang tumakbo ang bulilit patungo sa kanyang mommy na galing sa isang photoshoot. Mas lalo kasi siyang nakilala nang mundo dahil sa ka-cute-an ng anak niya. "Hello, baby! How are you? Where is your Mama?" Tanong niya dito habang karga-karga ang bata. Sa isip-isip niya, bakit iniwan mag-isa yung anak niya. "I'm fiiine. Kitchen! Kitchen!" Nakapa-hyper ng bata kahit gabi na, pumunta naman sila sa Kitchen kung nasaan yung Mama nung bata.
"Oh, hi Kath! Andyan ka na pala." Sabi ni Julia before walking towards Kathryn para makapag-beso sila. "No, Julia. Konsensya ko lang 'to. Hahaha!" Umirap lang si Julia pero natawa din naman.
"Mama, food?" Tanong naman ni Sage kay Julia, oo Mama ang tawag niya dito. Yung yung gusto nila (Jul at Kath) eh. Tapos Papa naman ang tawag niya kay Enrique na "missing in action" ngayon dahil inaasikaso niya yung restaurant na pinapagawa nila ni Julia. At syempre, mommy naman ang tawag niya sa totoong nanay niya. "Spaghetti and cake, you want that? Hmm?" Napangiti naman ng pagkalawak-lawak si Sage tapos sunod-sunod na tumango.
"Tara, let's eat na." Nakapaghain naman na si Julia kaya umupo na sila sa upuan pero bago yun... "Happy 26th month, Sage!!!" Sabay na sabi nung dalawa tapos pinanggigilan nila si Sage na puro giggle lang ang nagawa dahil inatake siya ng maraming kiss ng Mama at Mommy niya. After ng ilang minutong paghaharutan nila, kumain na sila ng dinner.
Oo, mahigit dalawang taon na din ang lumipas. Hindi naging mahirap para kay Kathryn ang pag-aasikaso kay Sage dahil nandyan lagi yung mga kaibigan nila para tumulong sa kanya lalong-lalo na yung dalawa— si Julia at Enrique. Kasi tinuring na din nilang anak ito. Maraming pagbabago ang nangyari sa loob ng dalawang taon— mas nakilala si Kath at Julia, magkakaroon na ng restaurant si Julia at Quen, ang ganda din ng takbo ng company nung dalawa, at si Sage naman ang nagiging stress reliever nila. Never pa nga yata naging sakit sa ulo si Sage eh. Lagi siyang nandyan to make her mommy, mama, and papa to feel better kapag they're all feel so down na dahil sa stress sa work and other stuff.
Lalo na ngayon, they're planning to visit Philippines again dahil marami na silang na-miss puntahan doon at kainin. Tsaka para na din makita ni Sage ang ganda ng Pilipinas. 3 days left, and lilipad na sila patungo sa Pilipinas kaya naman aligaga sila sa pag tapos ng paperworks and yung mag-aasikaso muna ng company nila habang nasa bakasyon sila. Dahil tatagal din sila ng two weeks sa Pilipinas.
"Come, baby. Akyat tayo sa taas. Let's pack our things na." Kathryn said to her daughter pag katapos nilang kumain, at magwash ng dishes. Si Julia naman, kanina pa umakyat sa kanyang kwarto para magshower kasi daw dugyot na siya kasi kanina pa siya luto ng luto. "Sage! Don't run!" Agad namang hinabol ni Kathryn ang anak dahil nga nagpatuloy parin ito sa pagtakbo, alam mo naman ang mga nanay, sobrang paranoid. Baka daw kasi mahulog si Sage, or mabagok ang ulo.
They just spent their whole night packing their things and nung 8:00 na, nilinisan na ni Kathryn si Sage at inihanda na ito para matulog. Kung titignan mong maigi, kitang-kita mo na kay Kathryn ang pagiging mother-figure niya. Di mo aakalain na first time niya sa ganitong bagay kasi ang professional niyang gumalaw. Pero sino ba namang di magiging sanay sa ganto eh siya lang naman ang nag-alaga kay Sage simula noong ipinanganak niya ito.
"Good night, nak. Mommy loves you soooo much." Kathryn whispered to her lovely daughter when she finally falls into a deep slumber. Bago niya i-kiss ang noo ng bata.