Julia's POV
Maaga akong nagising para ihanda yung "peace offering" ko para kay Kath. Syempre dapat suyuin lalo na butis 'to eh! Kaya ito, nagluluto ako ng pancakes, bacon, egg, and nagtoast ako ng bread. Pero may rice din, kung sa kaling gusto niya. May cake din dito, bumili ako kanina sa Starbucks. Wala eh! Yun lang yung 24 hours bukas sila. Tsaka favorite talaga namin ni Kath yung cake dun sa SB. Tapos may letter din akong ginawa. Inexplain ko kung bakit ko ginawa yun, nag-sorry, at syempre... nag-I love you!
7:30am
Kanina pa akong quarter to seven natapos. Kaya ito ako ngayon, nanonood ng TV, iniintay magising si Kath.
Napatayo ako bigla nung nakita ko siyang pababa na nang hagdan. "Good Morning Kath!" Masigla kong bati sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin, nagtatampo pa nga. Ehehehe. "Ah tara, kain na tayo!" Sabi ko pero syempre, pinauna ko siya. Hindi muna ako sumunod para may alone time siyang i-appreciate yung prinepare ko at basahin yung letter!
After ilang minutes, biglang may yumakap sa akin mula sa likod. Sino pa ba? Eh di yung pinaka mamahal kong bestfriend! Kaya humarap ako sa kanya agad. Hala! Bakit umiiyak 'to?! "Juliaaaaa! Eeeeeeh!" Ay, oo nga pala, buntis nga pala 'to. Mas emotional lalo. "Shhh. Bakit ka ba umiiyak?" Sabi ko na medyo natatawa. Andito kami, magkayakap. "A+ Effort! Thank you, Julia! You're forgiven. And I love you too!" Sabi niya sabay lalong hinigpitan yung yakap niya. Yes naman. Effective yung prinepare ko. Hahaha!
Kathryn's POV
"Julia, I have a good news!"
"Ano yun?"
"We're going to... New Yooooork!!!" Sigaw ko sabay winawagayway yung kamay ko sa ere. Bakit sa New York? Dream place namin yun. Nung bata kami gusto namin tumira dun kasi sobrang ganda. And yeah, I think its time na para tuparin namin ang pangarap namin! "OMG?! Really?!" Tumango lang ako. "For good?!" Hindi talaga siya makapaniwala. "For good." Bigla naman siyang tumayo, "Aayusin ko na gamit ko! Wait lang!" sigaw niya habang umaayakyat ng hagdan papuntang kwarto niya.
Hindi ko na siya pinigilan kasi mamayang 11:30pm naman na kasi flight namin. Excited lang talaga kami pareho. Kagabi lang ako nagpabook ng flight pero syempre, connections. Kaya may ticket na agad kami.
Yung cloting line namin ni Julia dito, kami parin ang mag-aasikaso kahit nasa NY kami. Naayos ko na lahat last week pa. Kapag may imemeet kami, sa Skype or Facetime. Kapag naman may mga problema, i-eemail lang ng friend namin- designer din siya, minsan model. Pero madalas kami ni Julia ang nagdedesign, hands on talaga kami. Kasi ang Rad Fashion ay isa sa mga pinakamalaking brand sa buong mundo. Kumbaga kasama kami sa top ten na pinakamalalaking brand worldwide. Kaya kilala din kami ni Julia, mukhang hindi lang. Ehehehe.
"Julia! After mo dyan, maligo ka na then wear something casual. May meryenda-date tayo with the whole team!" Sigaw ko sa labas ng kwarto ni Juls bago ako pumasok sa kwarto ko. Narinig ko naman ng "okay" siya.
4:45pm
"Okay! Since tapos na tayo kumain, magsspeech muna kami ni Julia." Andito kami sa mini stage na ginawa nila sa loob ng isang garden ng restaurant na malapit sa Rad Fashion. "Alam niyo naman na kung bakit tayo nagkaroon ng meryenda-date! Hahaha! Kasi nga Julia and I will go to New York na! Pero wag kayong mag-alala, pupunta parin naman kami dito, at hindi kayo mawawalan ng trabaho! Ang magbabago lang, wala na kami nila Julia dito, sa New York na ang office namin. Pero don't worry, 24/7 na nakaopen yung Skype or Facetime, para pag may problema madali lang kaming maka-usap. About dun, yung screen niyo naka lagay yun sa isang room malapit sa restroom sa lobby. Malaki yung screen dun kasi pag may meeting doon na din. Okay, enough with that. We are here talaga to thank you. Thank you sa lahat ng effort niyo, na kahit madaling araw na kayong umuwi lahat matapos lang yung gawain natin. And kitang-kita naman na every project na binibigay sa inyo, binibigay niyo best niyo. Kaya nga isa tayo sa mga pinakasikat na brand sa buong mundo! Kaya dahil dyan, happy happy tayo! May drinks na available over there! Enjoy lang! We love you Guys!" Syempre sila lang yung iinom kasi bawal sa akin. Butis ako eh! Hihihi.
"Thank you for everything din Juls and Kath!"
"We love you too!"
"Wala lang yung pagod kasi ang ganda naman ng resulta!"
"Hard work paid off!"
"Kilala na ang Rad Fashion worldwiiiiiideeee!!!"
"Yaaaay! Party!!!"
Sigaw ng mga lalaki dito sa team namin. Mga loko-loko talaga!
"Guys, hindi ko na papahabain yung speech ko. Gusto ko lang rin mag-thank you sa inyong lahat. Thank you for everything, hindi ko na iisa-isahin. Alam niyo na kung ano yun. Wag kayong mapapagod magtrabaho para sa Rad Fashion ah? Hahaha! Sige na, mag-enjoy na tayooo!" At naghiwayan nanaman sila, kaya ayan inuman na.
9:30pm
Natapos ang party namin kaya nandito kami ni Julia, pauwi na para makapagpahinga sandali bago umalis patunging New York.
"Kath, bakit?" Tanong ni Julia habang nagdadrive, di rin siya uminom kasi nga may flight kami.
"Anong bakit?"
"Bakit tayo aalis ng Pilipinas?" Ah alam ko na. Akala niya siguro kaya kami aalis ng bansa kasi ayaw kong makita si Daniel.
"Tinatanong pa ba yan Juls? Hahaha! Diba NY is our dream place. Kaya ito, tutuparin lang natin ang pangarap natin. Hindi tayo aalis because of Daniel. Wala akong pakialam sa kanya. Kahit makita ko pa siya, mameet ng maayos or what. Deadma lang, kasi wala naman talagang dapat ikaworry or ikadrama eh. Hindi ko siya iiyakan n apanagutan tong bata, kayang kaya kong buyahin 'to ng mag-isa. Kaya ngayon, hindi na ako nagtatrabaho ng dahil gusto kong magpayaman or what. Nagtatrabaho ako para sa anak ko. Para mabigyan siya ng magandang buhay." Confident kong sagot.
"You can give your baby nang magandang buhay nga. Maganda bang buhay yung hindi kumpleto yung pamilya niya? Wala siyang tatay?" Nandito na pala kami sa bahay, kaya bumaba muna kami ng kotse bago ko siya sagutin.
"Juls, wala naman akong sinasabing ipagkakait ko yung bata sa tatay niya eh. Eh di kung gusto niyang makita at makilala, eh di pumunta siya ng New York! Aba, hindi kami uuwi ng Pilipinas ng dahil lang sa kanya noh. Pwera nalang kung yung anak ko ang gusto nang makilala yung tatay niya." Totoo naman, hindi ko naman ipagdadamot yung bata. Kasi siya parin naman yung tatay nun kahit papaano. Basta tanggap niya yung bata eh!
"Galing mo naman talaga Kath! I'm so proud of you!"
"Oh well. HAHAHAHA!" Masaya lang dapat, oh diba.
11:00pm nang makarating kami sa airport at saktong 11:30pm, tinawag na yung flight namin. Nandito na kami ni Julia sa airplane, halos two hours nadin kaming bumabyahe kaya itong si Julia, ang himbing na nang tulog. Pagod eh! Kasi kahapon pa kami nagdedesign ng mga gown. Ito ako ngayon, hinihimas ang aking little angel sa tummy ko. Hindi ko pa alam kung ilang weeks na siya, kasi di pa ako nagpapacheck-up. Sa NY na para iisang doctor lang hahawak sa akin.
I'm so excited na na lumabas si baby. Pero ilang months pa ang iintayin ko bago siya lumabas. Pero deadma na yun! Basta kasama ako si Julia at ang baby ko, okay na. Kumpleto na ako. Sayang nga lang eh, hindi naabutan nila Mama si baby pero okay lang, kasi alam ko namang binabantayan nila kami dito. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako ng may ngiti sa labi.
***