Daniel's P.O.V.
Pagod na ko, sobra. Walang halong biro. Manager ako sa isang maliit na restaurant umaga hanggang hapon. Tapos, tutor naman ako sa gabi. Dalawa yung trabaho ko, dahil hindi sapat yung kinikita ko sa restaurant sa dami ng dapat bayaran ngayon. Ang hirap ng buhay, lalo na pag mag-isa ka. Akala ko noon, masaya pero hindi pala. Iba parin yung may pamilya kang inuuwian tuwing gabi, o kaya naman mga kaibigang kakwentuhan mo tungkol sa mga negosyo ng isa't-isa. Nakakamiss yung dati. Kung ganun lang kadali na ibalik yung nakaraan, nagawa ko na. Kung nagpakalalaki lang ako nun, edi ayos na. Ayos lang. Walong buwan na ang lumipas simula nung pinalayas ako sa bahay namin. Okay naman na ko, masaya naman kahit papaano. May mga bagong kakilala, kaibigan. May nahanap narin akong matitirahan, sa isang probinsya. Well, it's not that province naman na talaga, parang half province, half city. Nakakakain naman ako sa araw-araw, dahil pinagsumikapan kong makuha talaga yung dalawang trabaho. Nabibili ko nadin ulit yung ibang mga bagay na gusto ko, pero syempre yung afford lang ng pera ko. Masasabi kong, kakayanin ko naman palang mabuhay mag-isa. Pero mas kakayanin kong mabuhay, kung kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.
"Manong, para ho." Hindi ko na din ginagamit yung baby (sasakayan) ko dahil mas mapapamahal ako kung gagamitin ko yun. Kaya natuto din akong mag-commute.
"Oh, Daniel! Mukhang ginagabi ka na lagi ha." Sigaw ni Aling Tina mula sa kanyang sari-sari store. "Oho. Kailangan pong kumita eh." Sabi ko habang nakangiting nakatingin sa kanya bago nagpatuloy maglakad papunta sa bahay.
"Daniel! Nako, buti naman at dumating ka na." Si Madame, ang may ari nung bahay na tinitirahan ko. "Madame, pasok po." Sabi ko at pinatuloy siya sa sala.
"Ijo, pasensya na pero pwede ko na bang makuha yung bayad mo sa renta? Anong petsa na kasi, tapos dalawang buwan ka nang di nakakabayad. Kailangan ko din kasi yung pera." Malumanay niyang sabi. "Ay, oo naman po. Pasensya na rin po, ngayon lang ako nakapagbayad." Sabay abot ng pera ko pambayad sa renta. Mabait naman si Madame kaya walang problema. Ang mahirap lang talaga eh yung kapit-bahay ko.
"Salamat, ijo. Mauuna na ko." Hinatid ko siya hanggang gate bago sibihing, "Ingat po kayo." At pumasok na ulit ng bahay.
Haaay, tapos na ang problema ko sa restaurant. Ngayon naman, mga bata. Pero... di ko na sila problema eh. Sa halos ilang buwan kong nagtuturo sa mga bulilit, natutunan ko na rin silang mahalin. Kumbaga, sila ang source of happiness ko.
6:30 na ng gabi, kaya naman naghanda na ko bago pumunta sa S.A. Tutorial Center. Marami rin ang nagpapatutor dun, merong elementary, merong highschool. Pero elementary o mga bata lang yung tinuturuan ko kasi di naman talaga Education ang course ko. Pero before ako nagtrabaho, nag-aral ako ulit ng 6 months (about Education, syempre) kasi bawal naman yung magtuturo ako ng walang kaalam-alam sa ganun aside sa talino ko nung elementary/highschool pa ko.
Nang matapos ako magbihis, agad na akong lumabas ng bahay at sumakay sa tricycle. "Manong, sa Tiara street po." Dumating na din kami sa S.A. matapos ang ilang kanto. Kaya naman agad akong nagbayad at bumaba.
"Oy, oy! Mga Garde 3, maupo kayo!"
"Teacher! Teacher! Alam ko po sagot!"
"10 yung sagot!"
"Diba, sabi ko walang magpepen tap?! Grade 6 ha."
Wala pa man ako sa loob, naririnig ko na si Teacher Sam (may ari nung tutorial center) na pinapagalitan yung mga makukulit at magugulong Grade 3, samantalang yung mga pre-school naman nag-uunahan sa pagsagot, tapos si Teacher Nica naman, pinagsasabihan yung mga Grade 6. Oo, sama-sama lang sa isang buong kwarto. Kasya naman silang lahat kaya walang problema. Tsaka may mga harang-harang naman sa pagitan ng iba't-ibang gade kaya nakakapag-aral parin sila kahit papaano. Tsaka minsan, pag walang pasok yung mga bata iba-iba yung schedule ng tutorial nila.