Enjoy reading~
Lucas
"Oy Arslan Triplets! Tawag kayo ni major Ramos!"
Bumaling ako sa pintuan ng opisina naming magkakapatid nang sumilip ang kaparehas namin lieutenant na si Jonas Tolentino.Nilapag ko sa lamesa ang binabasa bago sumandal at seryoso siyang tinignan nang humilig siya sa hamba ng pintuan.
"Indefinite leave niyo na next week 'di ba Lucas?" Tipid akong tumango sakanya bago binalingan ang dalawang kapatid. We're triplets by the way, I'm Lucas the oldest, Levi the second and Landry the youngest. We have a youngest sister Lori, nasa probinsya siya together with our nanay Laura.
"Magiging busy ka na naman Jonas dahil sayo ibibigay ang mga trabaho namin na maiiwan." Malokong saad ni Levi.
"Oy!! May ilang araw pa kayo para tapusin iyan! Maawa kayo saakin tambak na ng mga papeles ang opisina ko." Daing nito sabay lapit kay Landry na tutok na tutok sa laptop nito.
"I know Jonas, I know." Inunahan na ni Landry sa pagsasalita si Jonas.
"Hulog ka talaga ng langit pareng Landry, don't worry pagbalik niyo sa leave niyo ay may munting regalo ako sainyo na tyak na magugustuhan niyo." Tinignan niya pa kami isa-isa habang nagtataas-baba ang mga kilay nito.
"Don't you dare Jonas, we don't need that." Mariin kong saad na kinabusangot nito.
"Mga pare baka naman matuyo na iyang mga kaibigan niyo sa ibaba hindi pa kayo ulit nakakatikim ng biyaya." Anito
"Ako pre game na game ako" napailing na lang ako sa sinabi ni Levi bago tumayo.
"Let's go guys, dinaldal mo na kami Jonas at nakalimutan na ang sinabi mo kanina." Saad ko na kinatayo nito bigla.
"Ay sorry! Nadala lang haha. Sige na punta na kayo ro'n."
Lumabas na kaming tatlo sa opisina at umakyat sa opisina ni major Ramos.
I knocked three times on the door before I opened it when I heard his permission."Arslan triplets!" Tumayo kami sa harapan ng lamesa niya at hinintay ang sasabihin nito.
"I will give you a special mission.""Pero sir leave na namin next week" ungot ni Levi, tahimik naman kaming dalawa ni Landry.
"I know lieutenant Levi" natatawang sabi nito sa inakto ni Levi.
"Don't worry bayad naman kayo, ang gagawin niyo lang ay ang bantayan ang anak ng kaibigan ko." He rubbed his chin like he's thinking of something.
"Hindi ko pa nakikita ang anak nito pero payo lang triplets, habaan niyo ang pasensya niyo lalo na kayo Lucas at Landry.""Bakit sir?" Ani Landry na walang mababakasang emosyon sa boses nito.
Kung ako ay madalas seryoso at malamig ang ekspresyon ng mukha, si Landry ay wala ka talagang mababakasan kahit ni isang emosyon sa mukha nito. While Levi, *sigh* he's the playful one, mahilig makipaglaro sa babae."May pagkabrat daw ang anak niya at laging inaaway ang mga ayaw nitong tao." Wika nito.
"Did he just badmouthed his own daughter." Natatawang saad ni Levi na kinatawa rin ni major.
"Hindi naman, inunahan na niya kayo para raw mapag-isipan niyo pa kung tatanggapin niyo ang special mission na ito o hindi." Tugon ni major.
"Bakit namin siya kailangan bantayan?" Tanong ko
"Mawawala raw si Dominique ng isang buwan dahil sa business matter nito." Tumango na lang ako at hindi na nagtanong ng ibang bagay.
We accepted the special mission, that's why we're here inside the office of mr Dominique Peralta in their mansion.
"Pagpasensyahan niyo na ang ugali ng anak ko." Hinging paumanhin nito pagkalabas ng anak nito. Lihim na lang akong napailing sa pinakitang pag-uugali ng anak nito sa harapan namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/314042645-288-k407327.jpg)
BINABASA MO ANG
Their Spoiled Brat [Completed]
General FictionWarning!! r18!! Don't read if this kind of story is not your forte or you're not open minded, the door is wide open you know what to do charot hahaha!! Started: Nov 11, 2022 Ended: Jan 15, 2023 Cto for the photo I used in the cover.