Chapter 31 - I don't do the dishes

8.4K 137 2
                                    

Enjoy reading~😉
Warning: 🔞

Lucas

"How's my daughter there Lucas?" Nag-aalalang tanong ni mr Dominique, Anastasia's father.

"Anastasia is fine here mr Dominique. Nakakaadjust naman na siya rito at minsan ay sumama kay nanay para magtinda sa palengke." Kwento ko na kinatahimik niya, tumingin ako sa gawi nina nanay na busy na sa pag-aayos dahil maya-maya ay uuwi na kami.

Sabado ngayon kaya't hanggang tanghali lang sina nanay nagtitinda. Bumaling naman ako kay Levi na nasa tabi ko at halatang nakikinig sa usapan namin ni mr Dominique na ikinailing ko na lang ng ulo.

"Ano ulit iyon Lucas? Mali ata yung narinig ko." Ani mr Dominique.

Napangisi ako sa isipan nang maimagine na nanlalaki ang mata nito at hindi makapaniwala sa narinig.

Anastasia plus palengke is not a good combo but I'm glad she's not being a brat here, siguro dahil andito sina nanay at alam kong nahihiya rin iyon ipakita kay nanay ang pagkamaldita.

That girl, I shook my head. Saamin nagmamaldita pero sa harap ni nanay parang angel haha.

Hindi talaga siya pwedeng iwan mag-isa dahil magugulat na lang kaming may kaaway na ito, una si Ditdit, si Eloisa at no'ng isang araw naman ay si Leah na nakaaway niya dahil sa isang dress. Nasettle naman na namin ang issue na iyon at hindi na raw magsasampa ng reklamo si Leah, pero may kapalit na kinailing ko.

Bahala na si Landry na sabihin sainyo kung sino nga ba iyon Leah na iyon sakanya.

"Si Anastasia po sumasama minsan sa nanay ko para tumulong sa palengke." Ulit ko na kinasinghap ng ama ni Anastasia.

"Hindi ata iyon ang anak ko Lucas, never mong mapapapunta sa palengke si Ana." Hindi makapaniwalang anito na lihim kong kinangiti.

"Hindi naman po siya nag-inarte noong andito siya sa palengke mr Dominique, NAPAKAbehave nga po e." May diin pa ang pagkakasabi ko sa napaka na lihim kong kinatawa sa isip.

"Baka naman tinakot niyo Lucas hahaha, though okay lang iyan atleast nararanasan niya ang ordinaryong buhay dyan sa probinsya niyo." Natatawang anito.

"Mr Dominique"

"Hhmm?" Rinig ko ang paglipat ng papel mula sa kabilang linya.

"Maayos na po ba ang issue ni Anastasia dyan?" Seryoso kong tanong, nakuyom ko ang kamao ko nang maalala ang ginawa ng gagöng iyon.

Now that Anastasia is our girl, we won't let anyone harm her or let other do what that bastard did.

"Sigh......yes, I already filed a suit to that young bastard and asked some experts to removed all the video circulated on the internet ang problema lang ay yung mga nagdownload." I clenched my jaw before I heave a sigh.
"Sige na Lucas, tatawag na lang ulit ako sa susunod. Tell my daughter I love her and I miss her. Kayo na munang bahala sa anak ko Lucas, I'm counting on you three Arslan." Seryosong wika nito bago binaba ang tawag pagkatapos kong tumugon.

"Anong sabi ni mr Dominique?" Ani Levi

"Nagfile na siya ng kaso laban sa gagöng iyon, nadelete na rin ang video ni Anastasia sa internet pero problema ay ang mga nagdownload no'n. Medyo mahihirapan ilocate lahat." Napatango-tango ito at himas pa sa baba.

"Hindi ba niya tinanong kung walang pumoporma kay Anastasia rito?" Tanong na naman ni Levi na kinataas ng kilay ko.

"Bakit?....gusto mo bang malaman ni mr Dominique na girlfriend na natin ang anak niya?" Seryoso kong tanong na kinausli ng nguso nito.
"We will let Anastasia decide for that Levi, huwag natin siyang pangunahan do'n. Darating ang tamang oras para ro'n Levi."

Their Spoiled Brat [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon