"Ano ba? Antagal mo?!"
"Sandali na lang malapit na talaga ako."
"Ok. See you."
Hayss. Ang hirap talaga pag nalalate ng gising. First day pa naman. Kuhh! Nakakahiya sa teacher. Ayy. Sino kayang adviser namin? Sana si Miss Clarisse.
"Kuya, pwede po bang pakibilisng konti. Late na po kasi ako eh."
"Sige po, Ma'am."
"Ang kulit nyo po talaga. Sabi ko po Chelsea na lang ang itawag nyo sa akin, diba?"
'Ok po."
Wow. Medyo mabilis nga pero ok lang. Hindi naman sobra eh. Hahahahaha
Asan na kaya yung babaeng yun? Hindi man lang ako inabangan sa gate o kaya naman salubungin. Hayy.
Habang hinahanap ko siya, hindi talaga ako mapakali. Sino kaya ang mga bago kong classmate? Hmmmmm. Sana classmate ko pa rin yung bruhildang yon. Hahahah Joke lang. Mahal na mahal ko yun no!
"BOOO!" Diyos ko po. Sino ba yung nanggugulat na lang basta-basta?!
"Hello, Chelsea. Heheheheh"
"Bakit ka bigla bigla na lang nanggugulat?! Pano kung atakihin ako sa puso? Alam mo namang ayoko ng ganun, diba?!"
"I miss you, too. Grabee. Ang ganda ng pambungad mong bati." Sabi nya sarcastically.
"Hay. Ok. Sorry kung masyado akong Oa. You know namanng ayaw ko ng ganun, right? Just don't do it next time."
"Ok. Sorry din. Namiss ko lang naman kasi ng sobra yung bestfriend ko." Sabay hug nya.
"Namiss din naman kita eh. Ay! Late na ba ako? tanghali na kasi ako nagising eh."
"Hindi pa naman. Vacant ang first period naten."
"So, classmate pa rin tayo? By the way, tara tingnan natin yung list ng sections." Inaya ko siya. Hindi ko pa kasi nakikita yun eh.
"Tiningnan ko kanina. And since magkaklase tayo, parehas tayo ng sched." Tapos binigay nya yung copy ng sched ko.
Pag monday, vacant yung first and last period namin. Oh diba ayos? Pag tuesday naman, yun maghapon tapos pag wednesdayganon din. Pati thursday.
Pagkabigay sa akin ni Sophia ng sched nagderetso na kami sa bulletin board.
Oh sh*t! I'm happy na nasa first section kami pero bakit naman kaklase pa namin yun. Siguro kung kayo yun, hindi rin kayo matutuwa na classmate nyo sya. Sa sungit ba naman nya. Walang nagtitiis na kumausap sa kanya. Except na lang sa barkada nya. Pero pag you're not one of them, ewan ko lang kung hindi ka mapagod sa kakausap sa kanya. Hindi kaya napapanis laway non?
![](https://img.wattpad.com/cover/37971440-288-k387712.jpg)
BINABASA MO ANG
Fairy Tales Do Come True
Novela JuvenilHi! My name is Chelsea Lourisse Guevarra. I have a best friend named Sofia Emerald Reyes. Lagi kaming magkasama sa lahat n oras at panahon. Ganon naman ang mag-bestfriends diba? Tahimik ang aming simpleng buhay simula first year hanggang third year...