Bakasyon na! Finally makakatulog nako ng walang academic stress. "usisa ni Gwen"
Pusta di ka parin matutulog kakanood ng anime "singit ni Ethan"
Heh! Epal ka talaga. " Inis na Sabi ni Gwen"
Gwapo naman. " nakangising tugon ni Ethan"
Hangin. " pambabara ni Gwen sabay aktong nilalamig"
Natawa nalang ako sa dalawang ito. Isa sa mga rason kung bakit ayaw ko sirain ang pagkakaibigan namin para lang sa kanya kanyang nararamdaman.
Oh Shantal, anong plano mo ngayong bakasyon? " tanong ni Ethan sakin"
Maghahanap muna ako ng trabaho pandagdag ipon sa college.
Anong trabaho ba gusto mo?
Kahit ano basta legal.
Diko alam kung anong masama sa sinabi ko, bigla nalang nabilaukan si Ethan sa kinakain nyang isaw.
Ano ba naman Shantal, di ko naman sinabing illegal, syempre di ako papayag ng ganun. "reklamo ni Ethan"
Ano kaba nya? "biglaang tanong ni Gwen"
K-kaibigan. "medyo nauutal pang sagot ni Ethan." Syempre bilang kaibigan mag-aalala talaga ako. Mabait pa naman ako tapos trabaho ng kaibigan ko illegal? Aba di pwede yun.
Daming sinabi, tinanong lang naman kung kaano ano. "pang-aasar ni Gwen"
Subukan ko kay Tita Ruby balita ko naghahanap amo nya ng staff sa coffee shop nila ehh. Sabihan kita agad kung meron na.
Ako din, subukan ko sa mga kakilala ko " Sabi naman ni Gwen "
Wala akong problema sa ano mang trabaho, sanay ako sa iba't ibang gawain. Nais ko lang talagang libangin ang sarili ko ngayong bakasyon.
***