Lumipas ang linggo ay iba't ibang lugar ang pinuntahan ko para makahanap ng trabaho. Pumasok ako sa mga fastfood restaurants, sa mga bakery, pati narin pagiging babysitter.
Sana naman sa lahat ng napuntahan ko may isang tumawag para makapagsimula agad ako. Natigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang selpon ko.
( Ethan calling..)
Oh?
May nahanap nako! " sigaw nya sa pagitan ng telepono"
Talaga? Ano? Saan?
Sa amo ni Tita Ruby, naghahanap daw ng bagong staff para sa coffee shop nila, ano G kaba?
Aba oo naman, grasya nayan.
Sige, sunduin kita ngayon. "Sabi nya bago patayin ang tawag"
And yeah God answer my prayers!
***( At the coffee shop)
Good morning po, ako po pala ang pamangkin ni Tita Ruby. " pagpapakilala ni Ethan sa babae"
Ohh! Ethan right?
Yes po, ito po pala si Shantal kaibigan ko.
Sya ba yung mag-aaply as new staff?
Ahh opo, magaling po ito sa pagtimpla ng kape pati narin po sa cashier area magaling po sya magbilang ng lalo napo kung saan kayo nagkulang.
Siniko ko agad si Ethan, kung ano ano na naman ang sinasabi.
Pumasok agad ako sa staff area at nagbihis ng uniform ng coffee shop. Paglabas ko nakita ko agad si Ethan palapit sa counter. Siya ang unang customer ko ngayon.
***