Chapter 19

0 0 0
                                    

Gumising ako ng maaga kasi flight na namin pabalik sa Manila. I manage to walk properly even if it still hurts. Cyrus is still sleeping, napagod yata. He's been pleasuring me for almost 8 hours straight! Pagkatapos kasi namin sa bathroom, he brought me to our bed.

Inayos ko ang gamit namin at nag-order na ng food pati take out. After fixing our things, saktong nagising si Cyrus. I don't know why but the thing we did last time still bothers me. I feel embarrassed!

"Good morning love" bati nya sakin.

"Good morning." sagot ko at uminom ng tubig.

"Are you feeling well now?"

Nasamid ako bigla saaking iniinom. Is it required to ask that question like the hell what did I do? I can't even imagine myself moaning his name!

"Uhm yeah? Maybe." sagot ko nahihiya.

"It's okay love, I can read your expression." he said while laughing.

"It's not your first time right?" wala sa sariling tanong ko.

I saw how his emotion change when I ask. What's wrong of asking?

"Why are you asking me that?" seryosong tanong nya.

"I'm just curious. Are you that expert huh?"
I've waited for minutes pero walang sagot kaya tumayo ako at mag-aayos na but he suddenly speak.

"I just...uhm..read it from books." sagot nya kaya napalingon ako.

I just nodded. "Maliligo lang ako."

He just nodded as response.

Pagkabalik namin sa Manila, I saw Ethan and Paula sa may coffee shop. Bakit ba palagi ko silang nakikita? Maybe Paula notice me kaya tumayo sya at lumapit saakin.

"Hi Shantal, nakabalik kana pala?"

"Ah oo, ngayon lang din. Dumiretso agad ako dito, I want to buy some coffee."

Tumango lang sya. I saw Ethan walking towards our direction. Una nako nagpaalam but Paula hold my hand to stop me.

"Aalis kana agad?" Napansin nya ata. " Medyo matagal tagal nadin kayong nag-iiwasan Shantal. Magkaayos nalang kayo."

Paglingon ko nakita ko na agad si Ethan sa may tabi ni Paula . Lumapit sya kay Paula at inakbayan ito.

"Good afternoon miss." bati ni Ethan.

"Too formal Mr. Suarez." sabi ko sabay taas ng kilay. Alam kong FC ako pero ang awkward talaga!

"Uhm iwan ko muna kayo, para naman may privacy kayo." singit ni Paula. Dun lang ako sa kotse Ethan, at nabalot na kami ng katahimikan.

"Kumusta kana?" basag ni Ethan sa katahimikan.

Napalingon ako sa kanya pero sa ibang direksyon sya nakatingin.

"Mukhang okay ka naman, sige mauna nako." sabi nya at tumalikod na.

"Ethan..sorry. Please?" ang tanging lumabas sa bibig ko.

Humarap sya sakin at tinignan ako. Nagbago bigla ang expresyon nya, biglang lumambot.

" I had a lot of reasons kung bakit ko nasabi sayo yun, pero maniwala ka nagsisisi akong pinalayo kita, Ethan." sabi ko, naiiyak na.

Magsasalita pa sana ako ng bigla nya akong yakapin.

"Kalimutan mo na yun, matagal nayun. Alam ko naman na may rason ka kaya hinayaan kita. Di mo naman magagawa yun ng walang rason, kilala kita Shantal."

Humiwalay ako sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya kahit naluluha pa.

"Di ka parin nagbabago." sabi ko.

Seryoso lang sya at dinukot ang panyo sa bulsa nya.

"Oh, punasan mo sipon mo. Ang tanda tanda mo na, dugyot ka parin." Sabi nya sabay bigay ng panyo.

Tumawa lang ako at kinuha ang panyo na binigay nya. Ang kabaitan ni Ethan..grabe walang kapantay.

***

Embracing MistakesWhere stories live. Discover now