Ulan

11 2 0
                                        

Ulan | a one shot story by sumplawah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ulan | a one shot story by sumplawah


---

"Under the pouring rain, let me dance my queen."

Isang lalaki ang naglahad ng kamay sakin. Nakangiti ko naman 'yung tinanggap, buong puso at walang pagdadalawang isip. Hinila niya ako palabas sa waiting shed na sinisilungan namin. Hanggang sa mapunta kami sa gitna ng daan.

It's already past nine. Wala ng masyadong dumadaan na sasakyan at hindi naman madalas daanan ang sementadong daan na 'to ng mga sasakyan, mapa-publiko man o hindi. Sadyang sumilong lang talaga kami kanina kase naabutan kami ng ulan. Tumakas kami sa kanya-kanya naming bahay, it's our second anniversary today so we sneak out to celebrate. Kahit pa alam naming mapapagalitan kami pagkauwi.

Pero mukhang useless lang 'din naman ang ginawang pagsilong namin kanina kase nagdesisyon 'rin kaming magpabasa.

I chuckled when he kissed the back of my hand that he's holding. Ginawa niya ang bagay na 'yon habang nakapikit ang mga mata. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko habang pinagmamasdan siya.

Nang mag-angat siya ng tingin sakin ay nakaguhit na ang isang matamis na ngiti sa labi. Umayos siya ng tayo, placed both of my hands behind his neck while his hands crawled in my waist.

Marahan kaming sumayaw sa gitna ng nagbabagsakang tubig ulan. We swayed our body in the same rhythm, isang ritmo na ginawa namin mismo. Parehas kaming nakangiti at nakatingin sa mata ng isa't isa. He's eyes full of different emotions, but above of it all is love and the same time... sadness. At sumasalamin ang mga 'yon sa mata ko.

Basa na kami. But we don't matter. Wala kaming pakialam, we are both busy savoring this moment. Na kahit ang isang maliwanag at nakakasilaw na bagay na paparating samin ay hindi namin pinansin. We both heard a loud horn, but we just keep on dancing

Wala saming gustong bumitaw at gumilid sa daan.

I can feel his hands squeezed my waist, habang marahan ko siyang inilapit sakin. Ang kaninang matamis na ngitian namin ay napalitan ng pait.

"I love you." Madamdaming sabi ko. Tears were already running down on my cheeks.

"I love you very much... Rhyhn Celestair." I saw a tear escaped from his eyes.

Unti-unting bumaba ang mukha niya papunta sa mukha ko. Until his lips claimed mine. Kasabay ng pagpikit ng mga mata naming dalawa ay ang pagsalpok ng paparating na kotse sa mga basa naming katawan.

Isang Bagsak ng StoryaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon