Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Payong / a one shot story by sumplawah
---
"Waahh!!"
"Y*waaa, ang ganda ng love story nila! Nakaka-inspire!"
"Mala-wattpad, beh. Hehe."
"Huhu, gusto ko 'rin ng love story'ng ganyan. Gusto kong magkaroon ng boyfriend na sobrang gwapo, 'yung tipong pag-aagawan ng maraming babae pero ako lang 'yung mahal niya. Haaayyy."
"Yakk, Jess. Before ka mangarap ng gwapong boylet, tanungin mo muna sa sarili mo kung maganda ka ba? Kamaot nimo da. Haha!"
"Ito ka oh. P*kyu!"
Nagkatawanan ang buong klase sa sagutan nila Jessica at ni Moni. Kilalang mag-best friend ang dalawang 'yan pero oras-oras naman ay nag-aaway. Pareho kase ng ugali kaya palaging nagsasangga.
It was my classmates' commotion earlier, most especially the girls. Pinag-uusapan nila 'yung viral na love story ng dalawang tao na kumakalat sa internet. 'Yon ang sikat sa internet ngayon. Kalat na kalat na hanggang dito sa Cebu ay nakaabot.
Nabasa ko 'yon kagabi kase minention ako ng mga kaklase ko. It was a story of two people who were one of the victims of love. They've got separated for almost five years. Nawalan daw kase ng alaala 'yung babae kaya hindi niya naalala 'yung lalaking mahal niya. While the man, on the other side, hindi agad nakauwi sa Pilipinas dahil sa injury 'rin sa nangyaring aksidente. He was in coma for a year. Parihapan pa daw siya sa paghahanap ng makauwi dahil nag-iba ng address 'yung babae.
Hanggang sa ang ulan na ang naghatid sa kanila sa isa't isa. I don't know but I felt like rain has something to do in their own love story. May picture 'ring naka-attach sa viral story na 'yun kung saan nasa ilalim sila ng ulan at masayang nagsasayaw. Well, sumikat 'din naman ang story nila dahil sa picture na 'yon.
Some said that they are sweet. Mayroon pa akong nakitang comment 'dun na sana maka-experience daw siya ng ganun. But for me? They are fools. Dancing under the heavy rain? Mukha silang mga tanga. May plano pa yatang magpakasakit. But, well, I'm not judging them of course. I just see them weird. That's all. Alam ko namang may dahilan sila.
At ito namang mga kaklase kong babae ay wagas kung makatili. They keep on giggling, talking nonstop on someone's love story. They exchange opinions and thoughts, narinig ko pa ang kaklase ko na mag-iipon daw siya papuntang Batangas para makita 'yong dalawa. Baliw. Para namang hindi magbabago ang isip niya habang lumilipas ang panahon.
People intend to change, idiot. Lahat nagbabago. The world change. At para maka-adjust sa pagbabago ng mundo, binabago 'rin ng mga tao ang sarili nila. Para hindi maiwanan. Kase ang totoo, takot ang lahat na maiwan. Everyone's scared of that.