Prologue

6.4K 244 114
                                    

Seiverus Villeza

Hinarap ko ang salamin at sinuklay ang buhok ko. Sumimangot ako nang makitang may isa akong pimple sa gilid ng labi. Ngayon ko lang naramdaman ito dahil nagmamadali akong naligo kanina at mali-late na naman ako sa school! Dapat talaga ay sinabihan ko na lang si Serell na gisingin ako bago siya umalis para sa groupings nila!

I look at my pimple once more. Bahagya pa itong namumula at parang ang sarap tirisin. Pinigilan ko ang sarili at umirap na lang at nagbihis ng uniporme. Papagalitan na naman ako ni Serell kapag nakitang pinutok ko na naman ang tigyawat ko.

Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto namin ni Serell. Kwarto ito dati ni Ate Praize pero simula noong umalis siya patungong Maynila ay rito na kami natutulog ni Serell.

Ilang lakad lang ay nasa sala na ako at naabutan si Mama at Papa roon na nakatayo. Sila lang dalawa ang nandoon, nasa bukid na siguro sila Tito Preston at Tita Sonia. Umiwas ako ng tingin nang makitang nakakunot ang noo ni Mama at si Papa naman ay tila lugmok ang mukha.

"Oportunidad na 'to, Steven, ano bang hindi mo maintindihan?!" Anas ni Mama sa galit na boses.

"Alam ko, Rhina, pero—"

"Hindi! Hindi mo naiintindihan kasi sarili mo lang ang iniisip mo! Paano naman ako at ang mga anak mo?!" Mama retorts.

I just stand my ground and watch them fight again. I didn't even blink and just stared at them blankly. Hindi pa rin nila ako napapansin dahil busy'ng busy silang magsagutan sa kung ano na namang pinag-aawayan nila.

I'm so used to it. I'm so used to them. Both Serell and I, actually. Palagi na lang. Nakakapagod. Sa dalawang linggo yata na umuuwi si Mama rito ay isa o dalawang araw lang silang hindi nag-aaway at nagkakasagutan.

Their fights... Some are huge and some are shallow. Nevertheless, still a fight. The grieving tension is still there, no matter how shallow the fight is. Na parang kahit maliit lang ang away nila at hindi naman sila nagsasagutan, pakiramdam mo ay nagwawala na sila sa loob.

At first, it's draining, not gonna lie. Kahit hindi naman kami kasali sa away ay tila pasok na pasok kami rito. Ramdam na ramdam namin. The pain is there. Still here, until now, maybe.

It's draining. So... so draining until one day... the draining stopped. Completely. It felt numb. All that's left is me—hopeless. All that's left is me and Serell, both tired.

Hindi ko alam kung kailan natapos ang nakakaubos na parte. I don't know exactly when because all of them feel shallow now. Last year, siguro? O baka ay noong dose anyos pa lang ay ubos na talaga ako pero ngayon ko lang napagtanto? Hindi ko alam.

Siguro ay noong may malaki silang away at rinding-rindi na ako pero hindi ko sila masigawan? O baka ay noong may assignment kami ni Serell at gusto naming magpaturo sa kanila pero hindi namin magawa dahil nag-aaway sila? Kaya ang ending ay kay Tito Preston at Tita Sonia na lang kami nagpaturo.

Hindi ko talaga alam. Basta ang alam ko lang ay... tapos na.

Tumikhim ako nang medyo malakas at pasimpleng lumapit para kumuha ng tinapay sa lamesa. Narinig ko ang singhap ni Mama at pagtingin nilang dalawa sa akin.

I casually put some margarine on the bread. Then I looked up to them and smiled.

"Tuloy niyo lang po. Maglalagay lang ako ng margarine sa tinapay at aalis na rin kasi mali-late na po ako. Kakainin ko na lang 'to habang nasa daan." Paliwanag ko at ngumiti ulit at nagpatuloy sa ginagawa.

Papa's face turns pale as he watches me while Mama closes her eyes tightly. After a little while, she opens it and tries to fake a smile.

"Ah, w-wala lang 'to, Seiv. M-May hindi lang kami napagkakasunduan. Hindi kami nag-aaway." Maingat niyang saad sa akin. Papa lets out a faint sigh and smiles at me softly.

When Will She Try? (When Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon