Chapter 2

2.6K 205 133
                                    

Stood

Walong oras ang naging byahe mula Arden patungo rito sa Avosta. Agad akong sumilip sa bintana at napangiti nang makitang ang daming tao sa labas ng terminal. Maraming mga nakapila at naghihintay ng bus sa mga waiting sheds habang ang ibang tao naman ay mga naglalako at nagbebenta ng kung anu-ano.

Grabe! Ganito pala talaga karami ang tao sa Maynila!

Sinulyapan ko si Serell at nakitang tila nagniningning din ang mga mata niya sa nakikita. Serell is a dreamer. Pangarap niyang makapunta rito sa Maynila balang-araw kaya sobrang saya niya na rito na siya mag-aaral.

I want to go here someday too, but not like this. I never thought I'd actually ever be able to go here, but I guess... Sometimes, life really tends to give you what you want in a way that you wouldn't expect.

I was content in Arden. Kuntento na ako na tumira roon habang-buhay. Na roon mag-aral hanggang college at doon na rin magkapamilya kalaunan. Hindi naman malaki ang pangarap ko hindi katulad ni Serell o ni Ate Praize, I just want to live a simple and happy life in the future.

Kaya nga hindi na rin ako masyadong nage-expect na makapasa sa Ventell University. I was not that interested, unlike my twin sister. But I got in, so this must mean something.

I have always believed that everything happens for a reason. And for fate to bring me to one of the most impossible places I could think of, He must have something planned for me.

"Kami na po, Ma." Ngiti ko kay Mama na mukhang balak na maging si Wonder Woman at balak na dalhin lahat ng mga bagahe namin.

Tumawa si Mama at tumango at saka binigay sa amin ni Serell ang kanya-kanyang bagahe. Nang makababa ako ng bus ay agad kong inalalayan si Mama pagbaba.

"Hoy, hawak ka sa akin at baka mawala ka!" Tukso ko kay Serell na palinga-linga na sa paligid. Kung makapang-asar ako e baka mawala rin naman ako kung sakali!

"Ewan ko sayo!" She retorted and rolled her eyes at me, then continued her stares with amazement.

Natigil kami sa asaran noong tinawag na kami ni Mama at pinasilong sa isang waiting shed doon dahil tirik na tirik ang init. Ngumiwi ako dahil amoy na amoy ang mga tambutso ng mga bus at pinapawisan na agad ako.

Mainit din naman sa Arden lalo na tuwing nasa bukirin kami at nagtatanim ng palay pero hindi ganitong amoy polluted ang hangin! The air in Arden is fresh and clean!

"Nandito na raw ang Ate Praize niyo! Halika na!" Ilang sandali pa ay nagsalita si Mama. I looked at her with wide eyes, susunduin pala kami ni Ate Praize?!

"Talaga, Ma?!" Excited na saad ni Serell at muling luminga. Ang usual na tahimik niyang ugali ay nawawala talaga rito sa Avosta, ah.

Hindi nagtagal ay nakita na namin si Ate Praize sa hindi kalayuan, nakatingin na pala sa amin. Nakangiti siya at kumakaway. Tumawa ako at kumaway din pabalik, lakad-takbo akong pumunta sa kanya.

"Ate Praize!" I excitedly uttered her name. She laughed and tapped my shoulder.

"Ang laki mo na, Seiv, ah!" Sabi niya kaya kinindatan ko siya at mayabang na tumango.

"Syempre naman! Sa susunod, mas matangkad na 'ko sayo!" Sabi ko dahil sa ngayon ay hanggang baba niya lang ako. Matangkad kasi talaga siya, e, dahil parehong matangkad si Tito Preston at si Tita Sonia.

Sumunod si Serell sa akin na bumati rin kay Ate Praize. Lumapit na kaming tatlo kay Mama na nakangiti lang habang pinagmamasdan kaming tatlo. Agad na tumulong si Ate Praize kay Mama at siya na ang nagbitbit ng dalawang bag na dala nito.

"Ako na po, Tita." She said while smiling respectfully. Hinayaan na lang siya ni Mama dahil siguradong hindi siya titigilan ni Ate Praize kapag humindi pa.

When Will She Try? (When Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon