Chapter 6

6.3K 258 186
                                    

Coming

Fallen's eyes dilated after hearing what I said. Ang liwanag mula sa labas ay tumatama sa kanyang mukha kaya tumatangis lalo ang kulay itim niyang mga mata.

Ako naman ay nakangiti lang at nakatingin lang sa kanya. Bahagyang kumalma na ang kalamnan ko dahil natutuwa ako sa mga reaksyon niya. She looks shocked, confused, and agitated.

She looks shocked... until she slowly recovered from it. Nang nakabawi siya ay marahan siyang kumurap-kurap na tila pino-proseso pa ang lahat.

Then, after a few seconds, she looked down for a bit, and I heard her sigh as she look up to me once again, but this time with a death stare.

"What the hell are you talking about?" She coldly asked.

Ayan na naman po siya sa kanyang matatalim na tingin sa akin. Bakit ba lagi niya akong sinasamaan ng tingin? Wala naman akong ginagawang masama!

Hindi ako sumagot at marahang tinaas lang ulit sa hangin yung plastic, inaabot sa kanya. I plastered on a small smile.

"Para sayo 'to. Binilhan kita, it's a shortcake." Ngiti ko pa rin at humakbang na palapit. My eyes glimmered when I caught her took an instant step back and glared at me intensely.

Suminghap siya at bumaba ang mga mata sa paa ko na parang inaabangan ang gagawin pang hakbang ng mga ito. Parang ayaw niyang malapitan ko man lang siya kahit kaunti.

Muli akong humakbang at katulad nang inaasahan ko, humakbang ulit siya palayo at mas lumala ang simangot sa mukha. Wala naman akong sakit, bakit ba siya lumalayo?

Dahil ayaw ko na siyang lumayo pa ay hindi na ulit ako humakbang palapit. Hindi kami matatapos rito kung iiwasan niya lang ako maghapon.

I saw the panic in her eyes disappear when she figured out that I wasn't going after her anymore. Her body slowly loosened, and she managed to stand up properly now. She eyed me grimly and even crossed her arms like she was ready to give me a beating if I ever dared to get close to her.

Muli siyang sumulyap sa plastic na dala ko. Pagkatapos ay bahagyang iritado siyang bumaling muli sa akin.

"Why are you giving me that? Do you like me?" She straight-forwardly asked.

My eyes widened at that, and my chest instantly drummed. What?

Napalunok ako at umawang ang labi para magsalita dahil sa pagkagulat pero parang may bumara na kung ano sa lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita! Uminit din yata ang pisngi ko!

Her lips twitched, and her eyes screamed amusement while seeing me panic. Natatawa yata siya dahil halatang nagulat ako sa tanong niya. Nagkabaligtad pa ang sitwasyon namin! Ngayon ay ako naman ang nabibigla sa aming dalawa!

"Cat got your tongue, huh?" She swiftly asked again and bit her lip. Pagkatapos ay umupo na ulit siya sa kartong box na inuupuan niya kanina.

Hindi pa rin ako nakasagot. I blinked to compose myself but to no avail, I was so shaken!

She faced me again after sitting properly. Her pink lips stretched into a small smirk, and then she shook her head.

"Don't bother. I like someone else." Simple niyang saad.

Kumunot agad ang noo ko dahil doon at kinagat ko ang ibabang labi. Mabilis na nawala ang pagkagulat ko at naglaho ring bigla ang init ng buong mukha ko.

I averted my eyes for a second before letting out a low laugh. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa gilid ng mata ko so I just continue laughing like something is funny.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Will She Try? (When Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon