Chapter 3

2.4K 209 104
                                    

Share

Kunot-noo kong sinundan ng tingin yung babae na naglalakad na palayo. Kusang tumatabi ang mga estudyanteng nadadaanan niya na parang ayaw nilang madamay.

Why did she give me that look? I was just looking at her! I was even taking her side!

Of course, she didn't know about that, but sa rami namin rito, ako talaga ang tatarayan niya nang ganoon?

I continue to look at the hall where she went. Wala na siya at nakaalis na nang tuluyan. My eyes slowly beamed, though, and I just found myself biting my lower lip to prevent a smile.

Ayos lang pala kahit tinarayan niya ako, maganda naman siya.

Pero napasinghap agad ako nang mahina noong mapagtanto ang naisip ko. Hala ka, Seiv Villeza, first day na first day mo, landi agad ang inaatupag?

E kasi naman, bakit singkit siya?! Kahinaan ko ang mga singkit!

"Oh my gosh, Kian! Are you okay?" Napalingon ako agad pabalik doon sa lalaking noong marinig ang tinig ng isang babae.

Tumango lang yung lalaki na akala mo ay maamong tuta na inapi. He softly smiled at the girl who asked him.

"I'm okay. Sorry for the commotion, guys." Tila malungkot niya pang sabi. Halos mapangiwi naman ako. Kita mo 'tong si Kuya, parang siya pa ang kinawawa ngayon.

Tila naawa naman ang lahat sa kanya at unti-unti na siyang nilapitan at pinagtatanong muli ang kalagayan niya kahit na sinabi niya na naman na 'okay' lang siya.

"Grabe talaga si Fallen! When will she accept that Kian is not interested in her?"

"I know, right? She's so embarrassing! Parang hindi Zalverria!"

"She's really the black sheep of the Zalverrias! She's so desperate! Attention seeker!"

"Ganoon talaga siguro kapag bunga ng isang pagkakamali!" And then most of them laugh at that statement.

Nag-igting ang panga ko dahil sa mga narinig, lalo na sa huling nagsalita. I tried to find out who said that, but there were too many students, and almost all of them were laughing, so I failed.

Sinamaan ko pa rin sila ng tingin dahil sa patuloy nilang pagtawa at sinulyapan yung Kian. He's not laughing, but there's a soft smile on his lips, and it looks like he didn't mind what they said.

Nag-init tuloy lalo ang ulo ko. I know that he's embarrassed and irritated, but he was supposed to be rational enough to think of defending the girl, especially because it seems that they have something going on between them! What the other students are saying is clearly out of line already. Hindi niya ba alam 'yon o wala lang siyang pakialam?

Mabuti na lang at nakaalis na iyong magandang babae! Paano na lang kung narinig niya ang walang kwentang pinagsasasabi ng mga 'to?

I was about to walk towards him to lash out, but I felt someone grab my arm and pull me back inside the room. Napairap ako dahil isa lang naman ang pwedeng humila sa akin.

"Huwag mo nang balakin na ituloy 'yang balak mo, Seiverus." Pigil ni Serell.

I glared at her angrily and was about to just spat on her too, but I stopped when I saw that her forehead was puckered too, and it seems like she's also mad like me.

Huminga ako nang malalim bago binawi ang braso ko. Hinayaan niya ako nang makitang nasa tamang pag-iisip na ulit ako.

Mabibigat ang mga yabag na bumalik ako sa upuan namin para hindi na magbago ang isip ko at baka pagsalitaan ko na talaga ang mga 'yon.

When Will She Try? (When Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon