Chapter 10: Chances.

7.9K 106 9
                                    

Chapter 10: Chances. 

Serene's POV:

Hingang malalim Serene.

Napasimangot akong nakatitig sa tapat ng pintuan ng Unit ni Bart.

Ano bang masama sa pagpunta mo dito? Tutor ka pa din naman niya ah.

Pinindot ko yung door bell. Walang sumagot.

Pipindutin ko sana ulit 'to nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Bart.

Napatingin ako sa lapag, pano ba naman, bagong gising lang siya.

"What are you doin' here?" 

"This!"

Tapos pinakita ko sa kanya yung paper bag na naglalaman ng mga libro.

"What the--" 

"Time to review, nasabi sakin ng classmate mo na may special exam ka kasi di ka nakapasok sa last Long Test mo sa Physics." 

"Classmate? Rather Sir Michael who told you that." 

"No. Ayaw na nga niya akong pumunta dito at turuan ka eh." 

"And why are you here?" 

"Because I want to."

Napailing na lang siya at hinayaan akong pumasok sa loob ng unit niya.

Dumiretso ako sa sala at nilapag dun yung mga books at yung laptop ko.

"Kukuha lang ako ng tubig ah." Sabi ko sa kanya. 

"Sure."

At saka niya naman sinuot yung t-shirt niya.

Sayang!

'Sayang?'

 

Ay ewan! Manyak na kung manyak, eh sa nakakaadik naman talagang tignan ang katawan niya eh.

Tumakbo ako papuntang sala at sinet na lahat ng gamit ko don.

Inayos ko yung laptop ko at binuksan ito.

Balak ko kasing gumawa na din ng report ko habang tinuturuan si Bart, nawala kasi lahat ng files ko eh, nareformat kasi eto, tapos nakakainis pa, hindi ko nagawan ng back up yung mga importanteng files ko.

Naramdaman ko namang naupo sa tabi ko si Bart at kinalikot yung dala kong mga libro.

"Wow, halatang ginagamit, yung sakin sobrang linis pa eh." Sabi ni Bart habang binubuklat yung libro ko sa Physics.

Inirapan ko na lang siya at tinype yung password sa laptop.

"Mickey Mouse? Seriously?" 

Basketball Love Affair 3: Buzzer BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon