Chapter 27: Finally.
Serene's POV:
"Dominique, di pa ba tayo tapos?" Saad ko habang nilalapag ang anim na paper bags at huminga ng malalim.
Mag-pipitong oras na kami dito sa mall, simula opening ng mall nandito na kami at mag-fa-five na, nandito pa din kami. Parang hindi napapagod 'tong dalawang 'to sa kaka-shopping.
"Wala pa akong regalo kay JP. Ang hirap mag-isip!" Sabi niya.
"I still don't have a gift for... Bart." Sabi naman ni Trixie na alam kong sinasadya naman niyang sabihin.
"Oo nga. Ako din pala, Serene, ano bang favorite ni Bart?"
Kinuha ko yung mga paper bags at nagsimula ng maglakad.
"Give him a bottle of Bourbon or any alcoholic drink, cause it seems like he's still on the verge of mourning over Dara."
Pumasok ako sa loob ng Onesimus at naghanap ng mga polo don. Ini-scan ko yung line ng mga damit at dinampot ang isang gray polo.
"Looks like someone's jealous of the dead. It's not good you know?.." Sabi naman ni Trixie habang kinuha ang isang neck tie don.
"I'm not. Not with Dara. She's my friend. But I guess someone's missing someone. Hm, is he 6 foot something, brown haired, brown eyes, former captain of Blue Dragons.... In Paris now?" I smirk at her.
And still... Trixie being Trixie. She showed no care. But deep inside it's too obvious.
"You're learning to be mean. And I assume that polo suits Bart perfectly. Thanks!" Hinablot niya sakin yung polo na hawak ko at dumiretso sa cashier.
"Zero for Serene, a point for Trixie." Sabi ni Dominique at nginisian lang nila ako.
***
Mga seven thirty nang makauwi na ako sa bahay, nagpasundo ako sa driver, ang hirap kaya mag-commute kung may dala kang sandamakmak na paper bags.
Pagdating ko sa kwarto ko ay inilapag ko kagad ang mga paper bags sa lapag at excited na kinuha ang laman ng isa don.
iPhone 5s. I giggled and put my microsim. In-open ko na ito. And I was disappointed.
Wala namang pinagkaiba sa 4s. Naging five rows lang at finger print lang ang pass. Oh, well. At least napalitan ko na din ang phone ko, mag-ti-three years na din kasi sakin 'to eh. Hindi din naman maganda na matagal yung phone, minsan kasi humihina yung signal or kung ano ng phone kaya hindi na din ganon kaganda ang quality niya kapag matagal na.
Kinuha ko yung isa pang box don, isang black iPhone 5s yun, well, personalize siya actually, may half heart sa likod, yung sakin din, then yung heart, imbis na color red lang, ang design niya is parang sa bola ng basketball.
Pinagdikit ko yung dalawang phone, perfect heart.
BINABASA MO ANG
Basketball Love Affair 3: Buzzer Beat
General FictionBet... that's how every love game starts. But will it also end by just a simple love game? ---- Cover Photo Credit: https://www.pinterest.com.au/m/pin/725149977478255605/?share=1&ref=user&invite_code=e136152be76d477eaa4f9065b8b5cb75