Chapter 20: I don't.

7.1K 102 20
                                    

Chapter 20: I Don’t.

Serene's POV:

Rise and shine, Serene Margarette Martinez! Today's your first day of class.

Dumilat ako at tumingin sa paligid. I can't believe, college na ako.

Huminga muna ako ng malalim bago bumangon. I look myself at the mirror at ngumiti sa sarili ko.

"You're good, Serene. You'll be just fine."

Ginawa ko yung fighting! Gesture at kinuha na ang towel at robe para maligo na.

After thirty minutes ng pagbababad ay natapos na din ako at nagpalit na ng uniform. Sabi kasi sa orientation, pwede naman daw mag-civillian pero yung ibang mga professor daw kasi minsan naninita. Kaya might as well, magsuot na lang ako ng uniform para iwas hassle.

Chineck ko lang yung laman ng handbag ko at bumaba na.

"Good morning, yaya." Nakangiting bati ko sa kanya habang nagluluto siya ng almusal.

Naupo ako sa table at nagkwento kay Yaya ng kung ano ano lang. Pampatanggal lang ng kaba. Hanggang sa ihain na niya sakin yung pagkain.

"Masaya ako na masaya ka, hija."

"Salamat po."

Natapos na akong kumain at nagpahinga lang ng ilang minuto at tinawagan si Bart para sabihin na paalis na ako papuntang University.

Hindi kami sabay eh, yung sched ko kasi, nine pa ang pasok ko, siya naman seven thirty. Kaya baka magkita kami sa lunch na lang.

302. Naglakad lang ako mula ground hanggang third floor gamit ang hagdan, exercise na din, malapit lang naman eh.

Pagdating ko sa room, onti pa lang yung estudyante, eight thirty pa lang naman kasi.

Naupo ako dun sa may side na wala pang mga estudyante. Nakakahiya kasi kung tatabi ako sa kanila, mukha kasing magkakakilala sila.

Kinuha ko na lang yung phone ko at binasa yung mga unread messages ko.

'San ka na?'

Message sakin ni Bryle, I replied na nasa room na ako, ang sabi naman niya papunta na din daw siya ng room.

After ilang minutes, hindi ko na kinailangan pang tumingin sa pinto para malamang dumating na siya, dahil sa mahihinang tili pa lang ng mga babae ay alam mo na.

Naramdaman ko namang naglakad na siya papunta sakin, pero nanatili pa din akong nakayuko at naglaro sa phone ko.

"Miss, may nakaupo ba sa tabi mo?"

Napangisi naman ako at tatanungin sana siya kung bakit ang formal niyang magtanong, nanti-trip nanaman siguro 'to, nang pag tingala ko ay ibang lalaki pala yun.

Basketball Love Affair 3: Buzzer BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon