Chapter 9: Meet Her.
Serene's POV:
Binalikan ko si Bart nung araw na yun, after kong magpahangin muna, at ang naabutan ko.. Isang natutulog na Bartholamew Charlestone.
Napagod siguro.
Naupo ako sa tabi niya, napagod siguro kakaisip, kakaiyak.
Para tuloy, nacucurious ako kung anong klase tao si Shemarie, kasi.. Tignan mo, napapatiklop niya ang katulad ni Bart na mas matigas pa sa titanium ang ulo, mas demonyo pa kay Satanas, hiyang hiya nga siya sa kanya eh, anyway, napapaisip talaga ako.
Siguro she's really beautiful, gracious, nice, balita ko din kasi, pati yung ibang players ng Blue Dragons, sa kanya lang sumusunod.
Besides, mamahalin ba siya ng ganto ni Bart if she's not that great person.
Sumandal ako sa dibdib niya.. At di ko namalayan..
I fell asleep.
***
Nagising ako na maayos na nakahiga na dito sa kama, mag-isang nakahiga dito sa kama, nakakumot na din ako.
Pero walang Bart na nasa tabi ko.
Bumangon ako at tiniklop yung kumot, nasan na kaya yun?
Chineck ko yung phone ko, no text. Siguro nagalit yung si Chael, halos isang buong linggo kasi namin sinet 'tong pagkikita namin.
Nung nagtext kasi siya sakin, agad ko siyang tinawagan, sabi niya, aayusin daw namin ito, itong relasyon namin.
Then after that we come up with this idea na magkita kami, kaso hindi magkaayos yung schedule niya sakin, kaya halos isang linggo kaming naghintay para magkita ult.
Tapos eto pa ako, sinabihan ko pa siya na hindi tuloy nang dahil lang kay Bart. Ay hindi, mali pala, kaya hindi ko siya pinatuloy, kasi si Bart yon.
Ewan ko ba sa sarili ko.
Naguguluhan na din ako sa sarili ko, di ko na maintindihan kung ano ba talagang nararamdaman ko.
Nang matapos ako sa pag-aayos, lumabas na ako ng cottage para hanapin si Bart, pero paglabas ko, ibang lalaki ang nasa labas at nakaupo dito.
Isang lalaki na napakapamilyar para sakin.
"Slept well?"
Dahan dahang nagtatakang napatango ako.
"Chael, what--"
BINABASA MO ANG
Basketball Love Affair 3: Buzzer Beat
General FictionBet... that's how every love game starts. But will it also end by just a simple love game? ---- Cover Photo Credit: https://www.pinterest.com.au/m/pin/725149977478255605/?share=1&ref=user&invite_code=e136152be76d477eaa4f9065b8b5cb75