CHAPTER 7

575 18 6
                                    

CHAPTER 7

MARK’S POV

Hindi ko kasabay ngayong recess si Kath kasi pinatawag ako ni Daddy sa office nya

“dad bakit mo ko pinatawag?”tanong ko

“tumawag mommy mo at gusto nyang malaman kung pumayag na si Kathleen sa offer na binigay nya”sabi ni Dad

“ah paki sabi na lang po humahanap pa po ako ng timming para sabihin kay Kath ang tungkol dun”sabi ko

“ah sige bumalik ka na dun”sabi ni daddy.

“sige dad”sabi ko at lumabas na sa office nya

 Si Mommy talaga masyado na syang napalapit kay Kathleen kahit isang araw pa lang sila nagkikita. Napadaan ako sa library  dahil malapit lang to sa office ni Dad nang nakita ko yung Jasmine na gustong ipahamak si Kath. Anong meroon at mukhang asar na asar sya well ano bang pakialam ko sa kanya. Tinuloy ko na lang yung lakad ko ng hindi sinasadyang narinig ko ang pinag uusapan nila at tungkol ito kay Kathleen kaya na pahinto ako at halatang hindi nila ako napapansin sa pwesto ko .

“Jas totoo ba yung sinabi ni Kathleen na sa kanya yan?”tanong nung isang kasama nya

“o-of c-course not!”sabi ni Jasmine

“wahahaha”tawa naman nung mga kasama nya

“why are you laughing?”tanong naman ni Jasmine

“You’re lying”sabi nung isa pa nyang kasama

“we know you Jas”sabi naman nung isa

“ok fine kay daga nga tong singsing nato okay”sabi ni Jasmine

Singsing? Yun ba yung singsing ni Kathleen na hinahanap nya nung first day na maging friend nya ako?

“tama ba yung narinig ko?”bigla silang napatingin sakin at halatang gulat sila

“M-mark?”

“akin na yung singsing”sabi ko habang papalapit sa kanila

“a-anong s-singsing?”pag maang-maangan nya

“I heard everything so don’t deny it Jasmine. If I were you, I will give it because if you don’t, you know what happen next”sabi ko sa kanya at mukhang gumana naman yung pananakot ko sa kanya.

“haist!! Sh!t that mouse”sabi nya at binato nya yung singsing sa lupa at umalis na sila. Pinulot ko yung singsing at tinago ko sa bulsa ko. Siguradong matutuwa si Kathleen pagnakita nya na ito. Alam kong napaka importante nito sa kanya, nasaan na ba yung shokot na yun? Ah baka nasa garden yun, yun naman ang lagi nyang tamabayan. Naglakad ako papuntang garden at nang malapit na ako roon may nakita akong isang babae at isang lalaki na naka upo sa isang bench na kadalasan yun ang laging inuupuan namin ni Kathleen. Lumapit ako ng kaunti at nang nakita kung sino yung dalawang yun yung kamao ko bigla yumukom. Hindi ko alam bakit ganito? Bakit parang may masakit sa dibdib ko? At isa pa sa mga kaibigan ko ang kasama nya. Si Glendale pa.

Pinag masdan ko sila dalawa mukhang nag uusap sila at hindi ko naman ito marinig dahil medyo malayo ako sa kanila. Nakita ko ring napapangiting si Kathleen at ganoon din si Glendale. Napalingon si Kathleen sa pwesto ko kaya agad naman  akong nagtago

Masaya ako at medyo nagkakaroon na ng friend si Kathleen pero bakit ganoon may konti akong nararamdaman. Bakit parang naiinis ako na parang ewan.

Nagpasya akong bumalik na sa classroom dahil tapos na rin lang naman ang recess namin. Binilisan ko ang paglalakad ko dahil baka makita ako ni Kathleen na galing sa garden.

INLOVE AKO SA BESTFRIEND KONG BAKLA (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon